LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

- Naglabas na ng pahayag si LJ Satterfield tungkol sa umano'y iringan nila ng nobyong si Boy Tapang

- Aniya, hindi pa raw siya handang pag-usapan ang kung anumang pinagdaraanan nila ngayon

- Gayunpaman, walang kumpirmasyon kung hiwalay na ba talaga sila o kung ano na ang estado ng kanilang relasyon

- Bago matapos ang kanyang vlog, hiniling pa rin niyang suportahan si Boy Tapang sa umano'y laban nito kay Boy Ungas sa Battle of the YouTubers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas na ng kanyang pahayag si LJ Satterfield patungkol sa patutsadahan umano nila ng kanyang nobyong si Ronnie Suan aka Boy Tapang.

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila
LJ Satterfield (LJ Satterfield YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa vlog ni LJ, sinabi niyang hindi pa siya handang pag-usapan ang anumang nangyayari sa kanilang relasyon ni Ronnie.

Read also

Ogie Diaz, inalala ang umano'y pagkuyog sa kanya noon ng ilang tao sa Quiapo

Ito ay sa kabila ng ilang mga post nila na madalas makita ang salitang 'Manggagamit' at 'Boy Hambog.'

Katunayan, isa sa mga nai-post ni LJ, bungad agad niya ang mga katagang 'Yes it's only for tandem.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinuhos ni LJ ang kanyang saloobin sa naturang post kung saan pinasalamatan din niya ang mga naitulong sa kanya ni Boy Tapang bilang ito ang nauna sa mundo ng pagba-vlog.

"Wag mong sabihin na ginamit kita. Dahil ginamit mo din ako. Sa lahat ng vlogs natin nisingkong duling wla kang nagastos at alam mo yan i never took advantage of you. . imbis iappreciate mo ang efforts ko, hindi eh. You turned the wrong way just to justify na tama lahat ng pinagsasabi mo. Bata ka pa. Alam ko yan, pero bat kailangan mong manira ng tao? Bat kailangan mo mang recruit ng mga kaibigan? Para lang labanan ka nila at ipagtanggol ka? Be a gentleman," ang bahagi ng mahabang post ni LJ.

Read also

Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, nagkaka-iringan umano sa socmed

Gayunpaman, sa kabila ng isyu nilang ito nagawa pa rin ni LJ na hikayatin ang kanyang subscribers na suportahan si Ronnie.

"And guys, ito pala. Don't forget to support Boy Tapang versus Boy Ungas sa laban nila sa Battle of the YouTubers ngayong Feb 26 na ito. And support natin guys and Ronnie good luck sa'yo, Sana manalo ka," ang nasabi pa ni LJ bago matapos ang kanyang vlog.

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Sa sweetness na ipinakita nila sa naturang interview, inakala ng marami na tatagal ang dalawa at mauuwi sa kasalan ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman gumulantang sa publiko ang kanilang pasaringan ng dalawa na may kanya-kanyang sumbat sa nangyari sa kanilang 'tandem.'

Read also

Lolo vlogger, nagdiwang nang magkaroon ng 300 subscribers sa YouTube

Gayunpaman, walang maayos na kumpirmasyon kung tuluyan nang naghiwalay ang dalawa kaya marami ang umaasang magkakaayos pa ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel