Ogie Diaz, sinabing walang ideya si K Brosas bakit wala na ang interview sa kanya ni Toni G

Ogie Diaz, sinabing walang ideya si K Brosas bakit wala na ang interview sa kanya ni Toni G

- Wala na umano sa YouTube channel ni Toni Gonzaga ang interview niya kay K Brosas

- Nakausap ni Ogie Diaz si K at nasabi nitong wala siyang ideya bakit nawala ang naturang interview

- Nagtaka rin umano si K lalo na at doon pa naman siya naglabas ng saloobin dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay

- Matatandaang isa ang interview ni Toni G kay K Brosas ang talagang napag-usapan dahil sa inspirasyong hatid nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nawala sa YouTube channel ni Toni Gonzaga ang panayam niya kay K Brosas noong 2021.

Ogie Diaz, sinabing walang ideya si K Brosas bakit wala na ang interview sa kanya ni Toni G
K Brosas (@kbrosas)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga nagkumpirma nito ay si Ogie Diaz na nagulat din sa pagkawala ng naturang video.

"Actually ka-PM ko si K Brosas. kahit daw siya ay nagtataka bakit nawawala ang interview niya kay Toni e 'dun daw siya humagulhol. 'Dun daw siya bumigay talaga," ani Ogie.

Read also

Lolit Solis, todo puri ang pamilya Gonzaga: "Pero ang pinaka-type ko, si Mommy Pinty"

Maging sila ay walang maisip na kongkretong dahilan bakit nawala ang naturang interview na isa sa mga masasabing pinaka-inspiring na panayam ni Toni G sa iba't ibang personalidad.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"So hindi rin naman natin alam sa side ni Toni kung bakit nawala," ayon pa kay Ogie.

Matatandaan na sa naturang interview, buong tapang na inilahad ni K ang kanyang pinagdaanan mula pagkabata hanggang sa mapasok siya sa showbiz at ang mga kontrobersiyang hinarap at kinaya niyang mag-isa.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at At Mrena ukol dito mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Karen Davila, bumilib sa pagiging hands-on ni Coco Martin sa shooting ng serye

Sa isa sa mga episodes ng kanyang showbiz update channel, todo puri niya ang bagong serye ni Coco Martin, ang FPJ: Batang Quiapo lalo na ang pagganap ni Miles Ocampo sa pilot episode nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel