Kakai Bautista, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa naging isyu umano kay Mario Maurer

Kakai Bautista, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa naging isyu umano kay Mario Maurer

- Muling naikwento ni Kakai Bautista ang matinding isyu na hinarap niya sa showbiz, ang tungkol kay Mario Maurer

- Isa kasi ito sa naitanong ni Toni Gonzaga nang maging panauhin niya ito sa Toni Talks

- Matatandaang humantong pa sa puntong nagpadala pa ng legal letter ang kampo ni Mario kay Kakai upang itigil na ng aktres ang pagbanggit kay Mario bilang 'close friend' nito

- Aminado si Kakai na dahil dito, muntik na umano niyang iwan ang showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapang na naikwento muli Kakai Bautista ang tungkol sa kontrobersiyal na pagkakaibigan umano nila ng Thai-German actor na si Mario Maurer.

Kakai Bautista, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa naging isyu umano kay Mario Maurer
Kakai Bautista (Toni Gonzaga Studios)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na sa tindi ng bashing umano na kanyang hinarap, nasagi umano sa isipan ni Kakai na iwan na lamang ang showbiz.

"Ako kasi 'yung taong... Lagi nga akong napapagalitan kasi 'masyado kang totoo'... Hindi ko kasi siya itinuring na superstar. Kung ano lang siyang tao, yun lang ang ano ko. Kasi nga hindi ko kaya, first time kasing nangyari sa akin 'yun," paliwanag ni Kakai.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"

Gayunpaman, humingi siya ng sign sa Diyos kung talaga bang dapat nalang niyang iwan ang showbiz o mananatili pa rin siya sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sunod-sunod yung trabaho, ganyan. Kailangan mong labanan. Diyos ko 'Day ning! Hindi mo mailabas sa tao, kailangan kalma ka lang. Diyos ko, paano mo matitiis 'yun? E hindi ako ganung tao. 'Pag may nang-aapi sa akin talagang nilalabanan ko... Parang gumaganda 'yung mga project sa akin," dagdag pa ni Kakai.

Katunayan, kasama siya sa cast ng MMFF movie na My Teacher na pagbibidahan ni Toni Gonzaga at Joey De Leon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Kakai mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:

Si Catherine Herrera Bautista o mas kilala bilang si Kakai Bautista ay isang Filipino actress, host, singer at comedienne.

Read also

Vice Ganda, nagpahayag umano'y pagbabalik ni Vhong Navarro: "Isahang sagot na lang"

Nakasama niya sa pelikula noong 2012 ang Suddenly It's Magic si Mario Maurer na kanya umanong naging mabuting kaibigan.

Nabanggit niya ito sa ilang mga TV show guestings niya at nasabing tila mas naging close pa umano sila ni Mario kaysa kay Erich Gonzales na leading lady nito sa nasabing pelikula.

Matatandaang humantong pa sa puntong nagpadala pa ng legal letter ang kampo ni Mario kay Kakai upang itigil na ng aktres ang pagbanggit kay Mario bilang 'close friend' nito.

Nilinaw naman ni Kakai na tila nakababatang kapatid lang ang turing niya sa Thai actor at alam niyang ate umano ang tingin nito sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel