AJ at Aljur dedma sa tsimis ng panganganak; Kylie, naghahanap ng abogado ayon kay Cristy

AJ at Aljur dedma sa tsimis ng panganganak; Kylie, naghahanap ng abogado ayon kay Cristy

- Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! nabanggit ni Cristy Fermin ang paghahanap umano ng abogado ni Kylie Padilla

- Ito ang nakikita nilang dahilan kung bakit walang pag-amin o pagtanggi sa napabalitang panganganak ni AJ Raval kamakailan

- Maging si Aljur Abrenica din umano ay hindi nagsalita sa isyung ito kahit nabanggit sa napabalitang, nasa labas ito ng lugar kung saan namataang nanganak si AJ

- Ayon pa kay Cristy, kung meron man o walang naganap na panganganak, mainam na maglabas umano ng pahayag si AJ

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa kawalan ng reaksyon ni AJ Raval sa napabalita kamakailan na nanganak na umano ito.

AJ at Aljur, tikom pa rin sa tsimis ng 'panganganak'; Kylie, naghahanap umano ng abogado
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa sa nakikita umanong dahilan ni Cristy ay ang nabalitaan nila sa kanilang source na naghahanap ngayon ng abogado si Kylie Padilla, ang dating karelasyon ni Aljur Abrenica.

Read also

Erik Santos, napahagulhol matapos mag-alay ng huling awit para sa pumanaw na ina

"Mayroon yatang pinagsabihan na kaibigan itong si Kylie Padilla. I want to talk to my lawyer. E bakit ba siya makikipag-usap sa mga abogado, ano ba ang dahilan?"

"'Yun siguro ang ikinakatakot nina AJ at ni Aljur, kaya wala silang komento sa isyu ng panganganak," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kailanma'y hindi nagsalita si Aljur ukol sa relasyon 'di umano nila ni AJ, mas lalo na ang panganganak nito na sinasabing siya ang ama.

Labis din ang pagtataka nina Cristy na maging si AJ ay hindi nagsalita sa kanyang kalagayan, totoo man o hindi ang isyu para na rin madepensahan umano ang kanyang sarili.

"Wala siyang sinasabing anuman, wala siyang komento kung nanganak ba siya o hindi. Wala siyang komento kung nagdalang-tao ba siya o ano... wala talaga," ani Cristy.

Read also

Cristy, nagbabala umano kay Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap; "Papatulan ka niya"

"Bakit hindi ka lumabas? Kung hindi ka talaga nanganak, ano ba naman 'yung 'hindi po totoo na ako'y nanganak. Maglabas po sila ng resibo na totoong nagluwal ako ng sanggol," tila paghamon pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel