RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truthteller"

RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truthteller"

- Nagbigay pahayag na si Sawsawera Queen RR Enriquez sa umano'y paglantad na nina Yen Santos at Paolo Contis

- Matatandaang kamakailan, nag-post na si Paolo ng mga larawan na magkasama sila ni Yen

- Payo rin ni RR na sana'y dumating sa puntong makahingi na ng tawad sina Paolo at maging pati na rin si Yen sa nangyari

- Naikwento rin ni RR na ang isyung ito nina Paolo at LJ Reyes noong nakaraang taon ang una niyang 'nasawsawan'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay na ng pahayag si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ukol umano'y paglantad kamakailan nina Paolo Contis at Yen Santos.

RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truth teller"
RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truth teller"
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami ang naghihintay ng kanyang palagay sa mga usaping ito.

"Time is the ultimate truth teller kaya naman kayo na ang bahalang humusga... Kayo na ang bahalang mag-isip kung tama ba ang ating mga haka-haka. Kung tama ba ang ating pag-o-overthink dito sa dalawang 'to. I think sa ngayon, hindi na tayo mag-o-overthink kasi sa ngayon lumantad naman sila"

Read also

RR Enriquez sa komento ni Xian Gaza sa may mga sugar daddy: "Medyo mali ka diyan"

"Pero alam niyo, with Paolo and Yen, sa totoo lang, wala namang taong perpekto. May mga taong nai-in love while they're still in a relationship. Kaya nga nagkakaroon ng salitang cheating o r ghosting."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa panahon ngayon, ang hirap talagang makontento ng isang tao. And hindi mo rin maiiwasan na may babaeng malandi may lalakeng malandi. Babaeng cheater, lalaking cheater. Babaeng mahilig maglaro sa apoy, Lalaking mahilig maglaro sa apoy. Babaeng natukso, Lalaking natukso. Hindi na natin 'yan maiiwasan sa panahon ngayon."

Hiling din ni RR na sana'y dumating pa sa puntong hihingi na umano ng tawad si Paolo kay LJ Reyes sa nanagyari.

"Maybe one day. Matuto silang mag-apologize kay LJ Reyes. And masarap talaga sa pakiramdam na minsan nagha-humble down ka talaga."

Sa ngayon, isa sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Read also

Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel