Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano sa USA; "Parang sumadsad e"

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano sa USA; "Parang sumadsad e"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin sa umano'y itinatakbo ng career ni Liza Soberano sa Amerika

- Duda niya umano na may nagsulsol umano kay Liza para umalis na sa pangangalaga ni Ogie Diaz

- Tila nanghihinayang si Cristy sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas kung saan siya ay madalas nang nagiging bida sa telebisyon man o sa pelikula

- Ito umano ang inalagaang career ni Ogie Diaz kay Liza na tila 'sumadsad' naman ngayon nang siyang makawala sa dating manager

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendel Alvarez ang itinatakbo ngayon ng career ni Liza Soberano sa Amerika.

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano sa USA; "Parang sumadsad e"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nilarawan ni Cristy na tila 'sumadsad' ang career ni Liza na umano'y inalagaan nang husto noon ni Ogie Diaz.

"Alam ko pong medyo magiging emosyonal si Ogie Diaz tungkol sa aming usapin na ito," panimula ni Cristy.

Read also

Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"

"Inalagaan ito ni Ogie e, pinalaki ito ni Ogie. Iningatan ng todo-todo para maabot 'yung pangarap niya. At nagtagumpay naman sila bilang talent at manager... Tapos biglang ganito? 'Yung pinaghirapan niya parang sumadsad e. Sadsad masyado."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, aminadong duda si Cristy na tila may nagsulsol kay Liza upang umalis sa poder ng dating manager.

"Ito lang punto natin na inalagaan ni Ogie Diaz ang kanyang karera, pinagtagumpay naman siya ng kapalaran hindi ba? Hindi kaya may nagsulsol sa batang ito para kumawala sa pangangalaga ni Ogie at lumipat ng iba," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Xian Gaza, na-tag si Glenda Dela Cruz sa picture na kasama niya si Rosmar Tan

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan, natalakay din nina Cristy sa Showbiz Now Na! ang lagay naman ng career ni Jake Zyrus sa Amerika. Bukod sa wala raw itong permanenteng tirahan, hindi na rin umano ito natulungan pa ni ng record producer na si David Foster na siyang dati nang naniwala sa kanyang world-class talent bilang si Charice Pempengco noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel