Paolo Contis, proud kay Yen Santos sa Best Actress award nito; "See you in awhile"

Paolo Contis, proud kay Yen Santos sa Best Actress award nito; "See you in awhile"

- Proud si Paolo Contis sa co-star niya sa pelikulang 'A Faraway Land' na si Yen Santos

- Nagkamit si Yen ng 'Best Actress' award sa Gawad Urian para sa naturang pelikula

- Ayon kay Paolo, well-deserve ni Yen ang naturang parangal para sa pinagsamahan nilang pelikula

- Nakapukaw din umano ng atensyon ng marami ay ang 'See you in awhile' na mensahe ni Paolo kay Yen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud ang 'A Faraway Land Star na si Paolo Contis sa co-star niyang si Yen Santos.

Paolo Contis, proud kay Yen Santos sa Best Actress award nito; "See you in awhile"
Yen Santos (@ysantos)
Source: Facebook

Ito ay matapos na magwagi si Yen ng Best Actress award sa Gawad Urian para sa nasabing pelikula.

Ayon sa The Scoop, nabati ni Paolo Si Yen at inihayag kung gaano siya ka-proud sa actress.

"Congratulations Lilieyen Santos... I'm sooooooo proud of you!! very well deserved! See you in awhile."

Read also

Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa Instagram account naman ni Yen, makikitang pinusuan naman ni Paolo ang post ni Yen kung saan naibahagi nito ang kanyang award.

Si Paolo Contis ay isang aktor sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang child actor at napabilang sila sa sitcom ni Aga Muhlach na 'Oki Dok'. Bahagi rin siya ng Youth-Oriented variety show na 'Ang TV.'

Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto noong 2021, kinumpirma ng aktres na si LJ Reyes na hiwalay na sila ni Paolo Contis na siyang ama ng anak niyang si Summer.

Nasa ibang bansa na si LJ nang magkaroon siya ng exclusive interview kay Boy Abunda at nakapagbigay ng ilang mga detalye sa kanilang hiwalayan.

Sa ngayon, masayang namumuhay sina LJ at kanyang mga anak na sina Aki at Summer sa Amerika.

Read also

Herlene Budol, happy at thankful sa LED Billboard; excited nang makabalik sa Pinas

Sa kanyang mga post sa social media, makikitang nag-eenjoy ang mag-iina kasama ang iba pa nilang mga mahal sa buhay kahit malayo na sila sa Pilipinas.

Samantala, Si Lilieyen Santos o mas kilala sa kanyang screen name na Yen Santos ay isang Pinay actress. Una siyang nakilala nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Siya ang gumanap bilang si Ysabel Espiritu sa seryeng Pure Love, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na 49 Days.

Matapos siyang iugnay sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis, naging kontrobersiyal din si Yen. Sa katunayan, isa siya sa most searched celebrities sa Pilipinas sa Google Philippines.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel