Xian Gaza, pinasilip ang net worth niya: "Road to 1B. Debt free by 2023"

Xian Gaza, pinasilip ang net worth niya: "Road to 1B. Debt free by 2023"

- Binahagi ni Xian Gaza ang kanyang personal balance sheet kung saan makikita ang kanyang assets at liabilities

- Sa caption ng kanyang post ay sinabi niyang binahagi niya iyon hindi para maka-inspire kundi para mag-brag

- Dagdag pa niya ito ay para maramdaman ng mga haters niya kung gaano sila kahirap

- Salungat sa paniniwalang kapag mayaman ay dapat maraming luxury cars, ayaw umano ni Xian sa liabilities

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Xian Gaza, pinakita niya ang personal balance sheet niya kung saan makikita ang kanyang assets at liabilities. Nakalagay doon ang tumataginting na 463, 579, 392 sa kanyang net worth.

Xian Gaza, pinasilip ang net worth niya: "Road to 1B. Debt free by 2023"
Xian Gaza, pinasilip ang net worth niya: "Road to 1B. Debt free by 2023" (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Base sa kanyang caption ay tila pinapakita niya iyon sa kanyang haters. Sinabi niyang binahagi niya iyon hindi para maka-inspire kundi para mag-brag.

Posting this not to inspire but to brag. Para maramdaman ng mga haters ko kung gaano sila kahirap. Haha. Buti na lang wala akong asawa, walang kahati. Hehe.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa comments section ng naturang post ay sinabi niyang "hard pass" siya sa luxury cars na aniya ay maituturing na liability. Nabanggit niya pa na sinabi noon sa networking na kapag mayaman ay maraming luxury cars.

Goal din niya na umabot na sa 1 billion ang magiging net niya sa 2023 at wala na siyang utang.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Kamakailan ay nabanggit ni Xian si Dennis Padilla sa kanyang Facebook post na agad na nag-viral. Isang prangkang mensahe ang nilabas nito para kay Dennis tungkol sa Father's Day greetings. Ayon kay Xian, hindi dapat hinihingi sa mga anak ang ganoong pagbati. Aniya, hindi dapat umasa ng pagbati mula sa mga anak lalo na “kung wala kang kwentang tatay."

Kasunod ng pag-viral ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang pahayag tungkol sa "history," nag-post si Xian ng screenshot ng art card na naglalaman ng naging pahayag ni Ella. Kalakip din sa kanyang post ang kanyang picture na nagpapakita ng gulat na reaksiyon niya. Agad na umani ng reaksiyon at komento ang post na ito ni Xian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel