Cristy Fermin, sinabing si Matteo ang nagpabura umano sa madamdaming post ni Sarah G

Cristy Fermin, sinabing si Matteo ang nagpabura umano sa madamdaming post ni Sarah G

- Sinabi ni Cristy Fermin na si Matteo Guidicelli ang nagpabura umano ng madamdaming post ni Sarah Geronimo para sa kanyang pamilya

- Ani Cristy, tila naawa raw 'di umano si Matteo na tila araw-araw na lamang humihingi ng tawad si Sarah sa kanyang mga magulang

- Matatandaang matapos na maging usap-usapan ang naturang post ay binura rin ito kalaunan

- Dalawang taon na buhat nang ikasal sina sa Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na sinasabing dahilan ng umano'y hindi pagkakaunawaan nina Sarah at kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay ang umano'y burado na na post ni Sarah Geronimo.

Cristy Fermin, sinabing si Matteo ang nagpabura umano sa madamdaming post ni Sarah G
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na matapos na maging usap-usapan ang naturang post kung saan humihingi parin ng tawad si Sarah sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang ay binura na rin ito kalaunan.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y nabuhay na isyu ng AlDub; "Sana maringgan din natin si Alden"

Ani Cristy, base na rin sa mga taong malalapit sa mag-asawa, si Matteo ang nagsabi 'di umano kay Sarah na burahin na lamang ito.

"Ang balita ito naman ay kwento ng mga taong malalapit sa kanila, si Matteo raw ang nagsabing tanggalin," aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Siguro ang nasa isip ni Matteo, 'di ko eksaktong sasabihin na ito ang kanyang saloobin Siguro naisip ni Matteo kawawa naman si Sarah. Araw-araw nalang humihingi ng paumanhin sa kanyang magulang. Samantalang hindi naman krimen ang kanyang ginawa. Krimen ba ang magdesisyon na makapag-asawa? Krimen bang sumama sa kanyang boyfriend at magpakasal na? Siguro sabi ni Matteo, sobra-sobra na ito. Tama na ito." paliwanag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Isabelle sa pagpapalaki ng inang si Gloria Diaz; "Never naming na-feel na sobrang yaman kami"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel