Super Tekla, sinaabihan si Donita Nose na parang lata na matunog at walang laman

Super Tekla, sinaabihan si Donita Nose na parang lata na matunog at walang laman

- Naglabas si Super Tekla ng video kung saan hinahamon niya si Donita Nose tungkol sa umano'y ilalabas nito tungkol kay Tekla

- Aniya nanahimik siya at nagpahinga sa pag vlog dahilan niya sa dahilan niya na alam din naman ni Donita

- Ani Tekla, huwag na daw idaan sa parinig at ilabas na nito kung ano ang tinutukoy niyang ibubunyag niya

- Hindi naman maiwasan ng mga followers nilang dalawa na umasang paandar lang nilang dalawa ito para sa muli nilang pagsasama sa kanilang paggawa ng YouTube videos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapang na hinamon ni Super Tekla si Donita Nose na ilabas nito kung ano ang sinasabi niyang ibubunyag niya. Ani Tekla, huwag na daw idaan sa parinig kung talagang matapang siya.

Super Tekla, sinaabihan si Donita Nose na parang lata na matunog at walang laman
Super Tekla, sinaabihan si Donita Nose na parang lata na matunog at walang laman (@donitanose)
Source: Instagram

Sinabi din ni Tekla na nagpahinga sa pag vlog dahila niya sa dahilan niya na alam din naman ni Donita.

Dagdag pa ni Tekla, si Donita ay parang lata na matunog ngunit walang laman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kamakailan lang nang magkasagutan din ng post ang dalawa bago pa nila ilabas ang mga video nila. Dahil sa kanilang mga post, hindi maiwasang mag-isip ng netizens kung totoo bang may hindi sila napagkakasunduan o kung nagbibiruan lang ba ang dalawa.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel