Karen Davila, nawindang sa mga tanong sa kanya ni Toni Fowler

Karen Davila, nawindang sa mga tanong sa kanya ni Toni Fowler

- Nawindang si Karen Davila sa matitinding tanong sa kanya ni Toni Fowler na binahagi ni Toni sa kanyang YouTube channel

- Hindi kaagad nakasagot si Karen dahil sa mga bulgar na mga tanong ni Toni na hindi niya inasahan

- Gayunpaman, sinubukan niyang sagutin ang mga ito dahil ayaw niyang maging panira sa masayang content ni Toni

- Sinubukan pa ni Toni na pagmurahin si Karen ngunit hindi na ito nagawa ni Karen dahil aniya ay baka mawalan siya ng trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinabigla ni Karen Davila ang mga bulgar na tanong sa kanya ni Toni Fowler nang magkasama sila sa vlog. Sinubukan pa ni Toni na pagmurahin si Karen ngunit hindi na ito nagawa ni Karen dahil aniya ay baka mawalan siya ng trabaho.

Karen Davila, nawindang sa mga tanong sa kanya ni Toni Fowler
Karen Davila, nawindang sa mga tanong sa kanya ni Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sinubukan pa rin sagutin ni Karen ang mga katanungan sa kanya kahit pa hindi niya maitago ang pagkawindang sa mga tanong sa kanya.

Nabanggit niya rin na naniniwala siyang mabuting tao si Toni base sa kanyang mga nalaman sa kanyang pagpunta sa Toro do Palasyo. Aniya, nahuhusgahan lamang si Toni dahil sa pagmumura nito ngunit naniniwala siyang mabuti ang puso ni Toni.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel