MG, ni-real talk si Wilbert Tolentino tungkol sa pakikipag-collab
- Sa video ni Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago, nagbigay siya ng payo kay Wilbert Tolentino kaugnay sa pakikipag-collab
- Nilinaw niyang hindi siya papanuorin ng tao kung nag-subscribe lang sila dahil sa mga nakakasama niyang influencers
- Kaya naman, kahit gaano karami ang subscribers ay hindi din umano ito makakatulong sa views niya
- Nabanggit din ni MG ang mga taong aniya'y sumulsol kay Wilbert ngunit hindi naman nagsalita para ipagtanggol siya nang pumutok ang isyu
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Diretsahang sinabi ni Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago na hindi papanuorin ng mga tao si Wilbert Tolentino kung nakuha lamang niya ang mga subscribers sa pakikipag-collab sa mga influencers. Payo niya, kailangan talagang pagtrabahuhan ang mga content para magkaroon ng audience.

Source: Facebook
Nabanggit din ni MG ang mga taong aniya'y sumulsol kay Wilbert ngunit hindi naman nagsalita para ipagtanggol siya nang pumutok ang isyu. Ito umano ang isa sa naging dahilan kung bakit hindi naging maganda ang kinalabasan ng rebelasyon ni Wilbert.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, mahalaga ang mayroong tunay na mga kaibigan na makakaramay pagdating sa mundo ng social media.
Si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay isang content creator na unang sumikat sa kanyang mga diss videos. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2.7 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Makagago Wazzup Man.
Kamakailan lang nang ilabas niya ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.
Matatandaang naging usap-usapan ang pahayag ni MG na may ilalabas din siya video sa kanyang YouTube channel. Kasunod ito ng video ni Angelica Jane Yap kung saan nabanggit niya ang pangalan ni MG na aniya ay "nakikisawsaw." Sa naturang video ay pabiro ding sinabi ni Angelica na kunin na lang daw kaya nilang ninong si MG. Sa kanyang post ay diretsahang sinabi ni MG na "Big Pass" umano siya sa alok na kuhanin siyang ninong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh