Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake

Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake

- Ayon kay Toni Fowler, kinausap niya ang ToRo family kaugnay sa paghingi ng dispensa ni Zeinab Harake sa kanila

- Sa kabila umano ng ginawang pagganti ni Toni at pamamahiya kay Zeinab sa live video niya kagabi ay hindi ito nagmataas

- Kaya naman, ayon kay Toni, sino ba naman daw siya para hindi magpatawad ng taong nagpakumbaba

- Gayunpaman, sinabi ni Toni na sana ay huwag nang ipilit na magka collab sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinausap umano ni Toni Fowler ang kanyang pamilya tungkol sa paghingi ng pasensiya ni Zeinab Harake sa kabila ng mga nasabi ni Toni laban sa kanya. Ayon kay Toni, hindi sila personal na nagkausap ngunit sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaibigan niyang MG, naintindihan niya umano si Zeinab.

Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake
Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanyang live video kagabi matapos mag-viral ang video ni Wilbert Tolentino, umalma si Toni Folwer dahil sa pagtawag umano ni Zeinab sa kanya at sa kanyang pamilya ng "trash."

Naibahagi niya din sa naunang video na humingi na ng pasensiya si Zeinab sa kanya ngunit hindi siya nakapagtimpi umano nang mapagtanto niyang nadamay ang ToRo fam.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Toni, dapat ay magkapatawaran na lang sila dahil pare--parehas lang din umano silang nagkakamali.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel