Xian Gaza, naglapag din ng screenshots ng messages na natanggap niya

Xian Gaza, naglapag din ng screenshots ng messages na natanggap niya

- Naglapag na din si Xian Gaza ng mga screenshots ng messages na kanya umanong natanggap

- Ito ay matapos ang kanyang live video kung saan nabanggit niya ang umano'y negosyong pagmamay-ari ng isang social media personality

- Ang mga screenshots ng messages na kanyang bahagi ay karamihang reaksiyon tungkol sa kanyang sinabi sa kanyang video

- Ani Xian, kaya niyang itaya ang pangalan niya sa nilabas niya dahil kinumpirma niya umano ito mula sa kanyang kakilala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Xian Gaza ng mga screenshot ng mga messages na natanggap niya. Ito ay matapos niyang ilapag ang live video kung saan nabanggit niya ang umano'y negosyong pagmamay-ari ng isang social media personality.

Xian Gaza, naglapag din ng screenshots ng messages na natanggap niya
Xian Gaza, naglapag din ng screenshots ng messages na natanggap niya (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Sa mga screenshots na kanyang binahagi ay may mga messages na nagsabing totoo umano ang sinabi ni Xian tungkol sa negosyo ng social media personality. Ilan sa mga messages ay nagsabing mismong sila ay nagtrabaho sa kompanya nito.

Read also

Hash Alawi, binahagi ang nakakakilig na date nila ng non-showbiz girlfriend

Sinabi ni Xian sa kanyang video na pinamagatang "Ang Rebelasyo" na ang tinutukoy niyang social media personality ay lider ng sindikato.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Xian, kaya niyang itaya ang pangalan niya dahil mismong kakilala niya umano ay nakapagtrabaho sa kompanya ng tinutukoy niyang social media personality.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapagpiyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Kamakailan ay nabanggit ni Xian si Dennis Padilla sa kanyang Facebook post na agad na nag-viral. Isang prangkang mensahe ang nilabas nito para kay Dennis tungkol sa Father's Day greetings. Ayon kay Xian, hindi dapat hinihingi sa mga anak ang ganoong pagbati. Aniya, hindi dapat umasa ng pagbati mula sa mga anak lalo na “kung wala kang kwentang tatay."

Read also

Madam Kilay, binahagi ang nakakaiyak na video ng kanyang panganganak

Kasunod ng pag-viral ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang pahayag tungkol sa "history," nag-post si Xian ng screenshot ng art card na naglalaman ng naging pahayag ni Ella. Kalakip din sa kanyang post ang kanyang picture na nagpapakita ng gulat na reaksiyon niya. Agad na umani ng reaksiyon at komento ang post na ito ni Xian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel