Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka"

Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka"

- Nagpost si Herlene Budol ng picture niya kalakip ng caption na "Ayy talaga ganon pala yon? Hmmmmmm"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kasunod ito ng pagkakabanggit din ng pangalan niya sa video ni Wilbert Tolentino kung saan sinabi ni Wilbert na kumita umano si Zeinab Harake ng 200,000 nang hindi alam ni Herlene

- Ito ay nang dalhin ni Zeinab si Herlene kay Wilbert upang makagawa sila ng content para sa kanyang YouTube channel

- Humingi naman ng dispensa si Wilbert kay Herlene sa comment section ng bagong post nito dahil sa paglilihim niya kay Hipon

Sa post ni Herlene Budol ay humingi ng dispensa si Wilbert Tolentino kaugnay sa paglihim ni Wilbert sa napagkasunduan nila ni Zeinab Harake. Sa nilabas na video ni Wilbert, nasabi niyang kumita si Zeinab ng P200,000 nang hindi alam ni Herlene. Ito raw ay noong dinala ni Zeinab si Hipon sa kanyan para makapag-collab sila.

Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka"
Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka" (@herlene_budol)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Wilbert, hindi niya sinabi kay Herlene ang tungkol dito dahil alam niya umanong masasaktan si Herlene dahil sa karanasan nito na marami umano ang nanamantala sa kanya noong panahong nagkakilala sila.

Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka"
Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka" (screenshot from facebook.com/HerleneHiponBudolOfficial)
Source: Facebook

Sa kanyang video ay nabanggit niyang si Zeinab ang dahilan kung bakit niya nakilala si Herlene na isa ngayon sa mga artist na nasa ilalim ng kanyang management.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel