Zeinab Harake, nag-post ng pictures niya kasunod ng rebelasyon ni Wilbert Tolentino

Zeinab Harake, nag-post ng pictures niya kasunod ng rebelasyon ni Wilbert Tolentino

- Nag-post si Zeinab Harake ng kanyang mga pictures sa social media kasunod ng video na nilabas ni Wilbert Tolentino

- Wala pa ring nilalabas na pahayag si Zeinab kaugnay sa naging rebelasyon ni WIlbert Tolentino

- Sa video ni Wilbert ay nilagay niya ang mga screenshot ng mga umano'y mensahe ni Zeinab kung saan may nasabi siya sa mga kapwa niya content creator

- Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang mga ito dahil sa umano'y parinigan nila sa social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Zeinab Harake ng kanyang mga pictures matapos ang pinagpipiyestahang "rebelasyon" na video ni Wilbert Tolentino. Wala pang nilalabas na pahayag si Zeinab kaugnay sa isyu.

Zeinab Harake, nag-post ng pictures niya kasunod ng rebelasyon ni Wilbert Tolentino
Zeinab Harake, nag-post ng pictures niya kasunod ng rebelasyon ni Wilbert Tolentino (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Agad na pinutakti ng komento ang kanyang post kaugnay sa nilabas na video ni WIlbert. Gayunpaman, wala pang sinasagot si Zeinab sa mga akusasyon sa kanya. Marami ang nagulat sa nilabas na video ni Wilbert dahil naglabas pa ito ng mga screenshot bilang resibo sa kanyang mga akusasyon.

Read also

Wilbert Tolentino, ipinakita ang umano'y mga komento ni Zeinab kina Ivana at Jelai

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Read also

Madam Kilay, binahagi ang nakakaiyak na video ng kanyang panganganak

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel