Rosmar Tan, ibinida ang kanyang flat tummy matapos manganak

Rosmar Tan, ibinida ang kanyang flat tummy matapos manganak

- Binahagi ni Rosmar Tan ang kanyang post partum body sa kanyang mga TikTok videos

- Matapos nga niyang manganak nitong January 20 lang ng kasalukuyang taon ay pinakita niya sa ilang videos ang kanyang post partum body

- Marami ang namangha at bumilib dahil mabilis na lumiit ang kanyang tiyan kahit kamakailan lang nang manganak siya

- Umani ng samu't-saring komento ang mga post na ito ni Rosmar kung saan ibinida niya ang kanyang produkto na aniya ay kanyang ginagamit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Rosmar Tan ang kanyang unti-unting pagbabalik-alindog kasunod ng kanyang panganganak. Sa kanyang binahaging mga TikTok videos ay marami ang namangha at bumilib dahil mabilis na lumiit ang kanyang tiyan kahit kamakailan lang nang manganak siya.

Rosmar Tan, ibinida ang kanyang flat tummy matapos manganak
Rosmar Tan, ibinida ang kanyang flat tummy matapos manganak
Source: TikTok

Nitong January 20 ay isinilang ni Rosmar ang kanyang pangalawang anak. Naibahagi niya sa social media ang kanyang naging journey mula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak.

Read also

Katrina Halili, nagluluksa sa pagpanaw ng boyfriend: "Ang daya mo love, bakit iniwan mo kami?"

Umani ng samu't-saring komento ang mga post na ito ni Rosmar kung saan ibinida niya ang kanyang produkto na aniya ay kanyang ginagamit. Narito ang ilang komento:

Why naman mommy bakit paka fresh mo po? Parang di nanganak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Parang di nanganak po lakas lakas at maganda parin po
Gustong gusto ko yung confidence mo mi how to be you po

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel