Rosmar Tan, magsasampa din umano ng patong-patong na kaso

Rosmar Tan, magsasampa din umano ng patong-patong na kaso

- Magsasampa din daw ng kaso si Rosmar Tan sa aniya'y iba't-ibang tao pagkatapos aniya niyang mag-relax ngayong gabi

- Pagtitiyagaan niya raw ang mga taong kanyang tinutukoy kahit pa medyo sasayangin umano ng mga ito ang oras niya

- Aniya, siya naman ang magsasampa ng patong-patong na kaso sa mga hindi pinangalanang tao

- Ito ang kanyang reaksiyon kasunod ng paglabas ng balita kaugnay sa umano'y pagsasampa ng reklamo ni Miss Glenda Victorio sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nagpatinag si Rosmar Tan sa kanyang mga bashers kasunod ng paglabas ng balita kaugnay sa umano'y pagsasampa ng reklamo ni Miss Glenda Victorio sa kanya. Magsasampa din umano siya ng patong-patong na kaso sa iba't-ibang taong hindi na niya pinangalanan.

Rosmar Tan, magsasampa din umano ng patong-patong na kaso
Rosmar Tan, magsasampa din umano ng patong-patong na kaso (@rosmartan)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ang kanyang planong mag-file din ng kaso pagkatapos ng kanilang overnight sa isang hotel kung saan siya nagrerelax.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Relax muna tayo overnight bago mag file ng patong patong na kaso bukas sa “ibat ibang tao”. Abangan! Pag tityagaan ko kayo kahit medyo sasayangin nyo oras ko. Sana Lang umabot hanggang dulo ang lacash nyo! Hahahaha

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Papunta palang tayo sa exciting part. Ubusan ng laCASH pala ang gusto nyo pag bibigyan ko kayo. So it's my turn na?

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Rosmar Tan, natawa raw sa mga nagsasabing matakot siya sa kaso

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel