Miss Everything, nagpost tungkol sa pinagdadaanan niya: "I’m a broke again"

Miss Everything, nagpost tungkol sa pinagdadaanan niya: "I’m a broke again"

- Sa post ni Miss Everything, makikita ang kanyang picture na tila naiiyak ito

- Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang mag-post siya na hindi na muna siya magiging aktibo sa social media dahil in love umano siya

- Inihingi niya ng dispensa na hindi siya aktibo sa pagpost ngunit babalik na lamang daw siya kapag heartbroken na siya

- Inulan ng komento ang kanyang Facebook post na ito ni Miss Everything

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Miss Everything ng kanyang picture na umiiyak. Matatandaang ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang mag-post siya na hindi na muna siya magiging aktibo sa social media dahil in love umano siya.

Miss Everything, nagpost tungkol sa pinagdadaanan niya: "I’m a broke again"
Miss Everything, nagpost tungkol sa pinagdadaanan niya: "I’m a broke again" (@facebook.com/MissEverythingOfficial)
Source: Facebook

Sa kanyang post noong September 12, 2022 sinabi niyang babalik na lamang siya sa pagiging aktibo sa social media kapag heartbroken na uli siya.

Read also

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

Sorry for not posting too much these days. I’m in Love . I’ll be back when I’m heartbroken. Bye Lonely people

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang panibagong post ay sinabi niyang "broke" daw siya.

Hi everything I’m a broke again Hi again happy people

Inulan naman ng mga samut'-saring komento mula sa netizens ang post niyang ito. Karamihan sa mga nagkomento ay nagtatanong kung ano ang nangyari. Kapansin-pansin din na ginagaya nila ang paraan ng pananalita ni Miss Everything.

Si Ms. Everything o Ericka Camata ay unang sumikat sa social media dahil sa kanyang mga nakakaaliw na videos na ibinabahagi sa social media. Pumatok sa mga netizens ang kanyang pagpapapatawa at pagsasalita sa wikang Ingles.

Matatandaang marami ang natuwa para sa online personality na si Ericka Camata o mas kilala sa tawag na Ms. Everything matapos nitong magbahagi noon ng video kung saan may kasama siyang lalaking pinapaniwalaan na kanyang karelasyon. Nasa Maynila ang social media star at nagkaroon ng photo shoot.

Read also

Jameson Blake, naiyak nang mapag-usapan ang stepdad na pumanaw noong 2021

Marami din ang naaliw sa pa-love advice ni Ms. Everything para sa mga netizens. Ibinida niya rin ang panibagong litrato nila ng kanyang napapabalitang boyfriend. Kinaaliwan din ng netizens ang kanyang caption na , "pm is the key to success." Hindi naman mapigilang humanga ng mga netizens sa social media personality dahil sa laki ng kanyang pinagbago.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel