RR, sa viral BFFs na sina Ales at Shaira; "Medyo nakadikit na nga, skin to skin"

RR, sa viral BFFs na sina Ales at Shaira; "Medyo nakadikit na nga, skin to skin"

- Nagbigay komento si Rr Enriquez sa nag-viral kamakilan na kasalan nina Jorryme at Ales Vodisek

- Ito ay dahil sa kakaibang closeness ng groom sa girl best friend nito at 'best woman' sa kasal na si Shaira

-Maging si RR ay nagulat sa closeness umano nina Ales at Shaira na siyang naging dahilan ng matinding pagseselos ng bride

- Kamakailan nga ay naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kwento nina Jorryme at Ales kung saan kinumpirma ng babae na hiwalay na agad sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala kay 'Sawsawera Queen with a Heart' na si RR Enriquez ang viral wedding kamakailan nina Jorryme at Ales Vodisek.

RR, sa kontrobersyal BFFs na sina Ales at Shaira; "Dapat 'di kayo maging close ng ganyan"
RR, Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging kontrobersyal ito dahil sa kakaibang closeness 'di umano ng 'girl bestfriend' ni Ales na si Shaira.

Read also

RR, napakomento sa viral OFW na sinurpresa pa ang ikakasal na ex na nakarelasyon ng 13 taon

Nang makita nga ni Rr ang mga larawan ng 'mag-best friend', nagulat ito na tila hindi na nga raw mukhang matalik na magkaibigan lang ang dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Para ngang hindi na mag-bestfriend ito... Masyadong close nga! Parang respect na rin sa ex no? Dapat hindi kayo maging close ng ganyan. Ako feeling ko rito, problem dito is yung best friend. Dapat as a best frien, you know where to stop, where you stand and where your boundaries, dapat ganun no? Kasi parang nasobrahan nga siya," ani RR.

Gayunpaman, wala sinoman ang nakakaalam ng totoong nangyayari sa tatlo kaya naman paalala niyang huwag din basta manghusga nang ayon lamang sa mga larawan o video na nakita.

"We don't know talaga 'yung nangyari. It would be better na we shouldn't judge the person especially the afam kasi nga close sila 'nung best friend niya," pahayag ni RR.

Read also

Joey de Leon; nasabing greatest legacy ang pagpapangalan niya sa 'Eat Bulaga'

Naikwento rin niya na babae rin naman ang bestfriend ng kanyang nobyo na si Jayjay Helterbrand subalit maayos ang pakikitungo niya rito.

"Sa amin, no bad blood. Minsan close din sila... Kahit nandun ako, sa akin balewala 'yun kasi best friend niya 'yun bakit pag-iisipan ng masama not unless super touchy 'di ba?" paliwanag ni RR.

Narito ang kabuuan ng kanyang komento mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel