Julia Barretto sa bagong nauugnay kay Joshua Garcia: "Kung saan ang happiness doon tayo"

Julia Barretto sa bagong nauugnay kay Joshua Garcia: "Kung saan ang happiness doon tayo"

- Naitanong kay Julia Barretto ang tungkol sa umano'y sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis

- Ito ay sa kadahilanang palagi umano itong naka-like sa mga social media post ng content creator

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Isa lamang ito sa mga tanong kay Julia sa episode ngayong araw ng "Maritest" sa Tropang LOL

- Ayon kay Julia, masaya siya para kay Joshua at sa babaeng naiuugnay sa kanya

Sa pag-guest ni Julia Barretto bilang kalahok sa "Maritest" segment ng Tropang LOL, Naitanong kay Julia ang tungkol sa umano'y sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis.

Ayon kay Julia, masaya siya para kay Joshua Garcia at sa babaeng naiuugnay sa kanya.

Julia Barretto sa bagong nauugnay kay Joshua Garcia:"Kung saan ang happiness doon tayo"
Julia Barretto sa bagong nauugnay kay Joshua Garcia:"Kung saan ang happiness doon tayo" (@juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

RR Enriquez, todo puri kay Herlene Budol; "Nakaka-proud talaga 'tong babaeng 'to"

Matapos kumpirmahin ni Matteo Guidicelli na si Joshua ang tamang sagot sa tanong, pinakita nila ang picture ni Joshua kasama ang babaeng nauugnay sa kanya.

"Oh that's nice, that's nice. Good for the both of them. That's good. That's good. Masaya tayo."

Tinanong din ni Matteo kung aprubado sa kanya ang tungkol sa pagkakaugnay ni Joshua kay Racelis.

"Approved, approved. Kung saan ang happiness doon tayo."

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Read also

Erwan Heussaff sa OOTD ni Anne Curtis: "You forgot to button up the shirt"

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel