Vince Flores, naghayag ng kanyang pagmamahal para kay Toni Fowler

Vince Flores, naghayag ng kanyang pagmamahal para kay Toni Fowler

- Naghayag ng kanyang pagmamahal si Vince Flores para sa kasintahan niyang si Toni Fowler

- Sa isang Facebook post ay sinabi nito na pinagpapasalamat niya na dumating sa buhay niya ang isang babaeng kagaya ni Toni Fowler

- Aniya, sa kabila ng mga pagtatalo at hindi nila pagkakaintindihan ay laging nanaig ang kanilang pagmamahalan

- Hiling niya na makasama na nila sa susunod nilang mga travels ang anak nilang si Tyronia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vince Flores, sa kabila ng mga pagtatalo at hindi nila pagkakaunawaan ni Toni Fowler ay nanaig lagi ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa. Kaya aniya, habang-buhay niyang ipagpapasalamat sa Panginoon na dumating si Toni sa buhay niya.

Toni Fowler, nabiktima ng kanyang 'Hinala prank' si Vince Flores
Toni Fowler, nabiktima ng kanyang 'Hinala prank' si Vince Flores (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Hiling niya na makasama na nila sa susunod nilang mga travels ang anak nilang si Tyronia. Kalakip ng kanyang mensahe ay ang binahaging video ni Toni na kuha sa kanilang pagpunta sa Siargao kamakailan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming pag tatalo at hindi pag kakaintindihan, pero mas nananaig padin ang pag mamahalan sa isa’t isa ngayon lang ako nagka roon ng relasyon na ganito. Ang magkaroon ako ng babaeng katulad mo sa buhay ko ay habang buhay kong ipag papasalamat sa Diyos. Jowa, more travels with you pa at sa susunod gusto ko masama na natin ang anak natin na si Tyronia. Lagi mong tatandaan na Mahal na mahal kita at mas lalo kitang pipiliin ng pipiliin sa araw araw I love you so much
Vince Flores, naghayag ng kanyang pagmamahal para kay Toni Fowle
Vince Flores, naghayag ng kanyang pagmamahal para kay Toni Fowler (facebook.com/ONINCE.OFFICIAL)
Source: Facebook

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel