Payo ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens

Payo ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens

- Binalikan ng netizens ang post ni Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy kung saan nagbigay siya ng payo sa mga kalalakihan

- Kaugnay umano ito sa pakikipagrelasyon at inihalintulad niya ito sa isang ulam

- Aniya, hindi na dapat maghanap ng ibang putahe at initin na lamang ang ulam nang paulit-ulit

- Umani ito ng mga reaksiyon kasunod ng kanyang binahaging balita tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Marites Mondina matapos ang mahigit 20m taong pagsasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post noon si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ng isang payo para sa mga kapwa niya lalaki tungkol sa pakikipagrelasyon. Aniya, hindi na dapat maghanap ng ibang putahe at initin na lamang ang ulam nang paulit-ulit.

Post ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens
Post ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens (@pambansang_kolokoy)
Source: Instagram

Matapos lamang ang ilang araw mula nang isapubliko niya ang tungkol sa paghihiwalay nila, umani ng panibagong mga komento ang kanyang Facebook post noong November 21, 2020.

Read also

Pambansang Kolokoy, nakiusap na huwag nang pakialaman ang kanilang pribadong buhay

Mga boys payong kapatid lang so STOP, READ and LISTEN. Ganito kasi yun, ang relasyon parang ulam lang yan. Kung may adobo ka na, huwag ka nang mag hahanap ng sinigang. Initin mo na lang yung adobo ng pa ulit ulit. #IlokanoAk

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari. Gayunpaman, makikitang

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel