Pambansang Kolokoy, biniro si Marites na mag-subscribe na sa YouTube channel niya

Pambansang Kolokoy, biniro si Marites na mag-subscribe na sa YouTube channel niya

- Sa video na binahagi ni Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy, makikitang nakikipagbiruan si Marites Mondina sa kanya

- Ito ay sa kabila ng pagsasapubliko niya kamakailan tungkol sa umano'y paghihiwalay nilang mag-asawa

- Biniro pa nito si Marites na baka naka-unsubscribe na ito sa kanyang YouTube channel kaya hindi niya alam ang mga content niya nitong mga nakaraang araw

- Natawa na lang din si Marites nang biruin siya nito na mag-subscribe muli para may pangbili siya ng Starbucks ng kanilang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa muling pagsasama nina Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy at ni Marites Mondina, nagbiro pa ang YouTuber na baka umano nag unsubscribe na si Marites sa kanyang YouTube channel. Aniya dapat ay mag-subscribe muli para may pangbili siya ng Starbucks ng kanilang anak.

Read also

Pambansang Kolokoy at Marites, nagsama muli sa isang vlog matapos ang hiwalayan

Pambansang Kolokoy, biniro si Marites na mag-subscribe na sa YouTube channel niya
Pambansang Kolokoy, biniro si Marites na mag-subscribe na sa YouTube channel niya (@pambansang_kolokoy)
Source: Instagram

Sa kabila ng mga matinding reaksiyon ng kanilang mga viewers sa balita tungkol sa paghihiwalay nila, mukhang maayos naman ang dalawa at nakakapagbiruan pa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari. Gayunpaman, makikitang maayos pa rin ang dalawa sa kabila ng desisyong maghiwalay makalipas ang 20 taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel