Rob Moya, humingi ng dispensa sa mga maling nagawa niya

Rob Moya, humingi ng dispensa sa mga maling nagawa niya

- Matapos i-post ni Toni Fowler ang video kung saan pinagbati niya sina Rob Moya at Lai Austria, isang Facebook post ang binahagi ni Rob

- Aniya, sumasang-ayon siya sa sinabi ni Toni na deserve ng isang babae ang marinig ang "sorry" lalo na nakasakit siya ng damdamin

- Humingi din siya ng dispensa sa mga tao sa lahat ng aniya ay mga nagawa niyang kamalian

- Dagdag pa niya, pinipilit niyang magbago upang maging mabuting tao at maging huwaran sa kanyang mga viewers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi ng dispensa si Rob Moya sa aniya ay mga nagawa niyang kamalian. Sumasang-ayon siya sa sinabi ni Toni na deserve daw ng isang babae ang marinig ang "sorry" lalo na nakasakit siya ng damdamin.

Rob Moya, humingi ng dispensa sa mga maling nagawa niya
Rob Moya, humingi ng dispensa sa mga maling nagawa niya (facebook.com/official.robertmoya)
Source: Facebook

Aniya, pinipilit niyang magbago upang maging mabuting tao at maging huwaran sa kanyang mga viewers.

Read also

Vince Flores, sinabing hindi siya dapat kaawaan dahil sa content na ginagawa ni Toni Fowler

Maigi ng peace lahat kay sa meron kang kaaway...
Tama naman si Mommy Toni Fowler deserve naman ng isang babae ang marinig ang "sorry" lalo na nakasakit ako ng tao...

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa lahat ng tao gusto ko humingi ng pasensya sa mga nagawa ko dati..
Binabago ko ang buhay ko dahil gusto ko maging mabuting tao and also be a good role model sa lahat ng viewers..

Bago pa ito ay nagbahagi si Toni ng video kung saan pinagbati niya sina Rob at ang babaeng naging bahagi ng buhay ni Rob noong nagkakalabuan sila, si Lai Austruia.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Read also

Toni Fowler at Lai Austria, nagpagalingan kung sino ang mas nakakakilala kay Rob Moya

Hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal. Nang sinagot na ni Toni si Vince Flores ay minabuti niyang patawarin na si Rob.

Mismong si Rob ang nagbahagi ng screenshot ng mensahe niya kay Toni kung saan sinabi niyang parang mahal pa daw niya si Toni. Makikita naman sa sagot sa kanyang mensahe na si Vince Flores ang nakabasa sa kanyang message dahil may sakit umano si Toni. Biglang bawi naman si Rob sa kanyang sagot kung saan isang chain message ang kanyang naging tugon. Sa mga sumunod na screenshots ay pabirong sinabihan ni Vince si Rob na may ubo umano ito sa utak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel