Cristy Fermin, sinabing naalis umano si Arjo Atayde sa 'Ang Probinsyano' sa husay nitong umarte

Cristy Fermin, sinabing naalis umano si Arjo Atayde sa 'Ang Probinsyano' sa husay nitong umarte

- Nabanggit ni Cristy Fermin na naalis ng maaga si Arjo Atayde sa FPJ: Ang Probinsyano dahil sa husay umano nitong umarte

- Naging isyu umano ito noon kaya maaga raw na pinatay ang karakter nito sa natapos na rin na serye

- Maging siya ay hanga sa galing ni Arjo sa pagganap nito sa iba't ibang karakter na binibigay sa kanya

- Masasabing namana talaga nito ang husay niya sa pag-arte sa kanyang inang si Sylvia Sanchez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! na maagang naalis si Arjo Atayde sa FPJ: Ang Probinsyano dahil umano sa galing nito sa pag-arte.

Cristy Fermin, sinabing naalis umano si Arjo Atayde sa 'Ang Probinsyano' sa husay nitong umarte
Arjo Atayde (@arjoatayde)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging isyu umano ito sa serye kaya naman mabilis na 'pinatay' na lamang ang karakter ni Arjo roon.

"E sa Ang Probinsyano 'di ba may kwento nun? Na dahil sa sobrang galing ni Arjo Atayde sa pag-arte, tinanggal siya ni Coco Martin sa script," kwento ni Cristy.

Read also

SNN, may update kay Kris Aquino; "Kahit nakaratay, 'di parin natitigil kaka-order online"

"Naging isyu 'yan, agad siyang pinatay dapat pala hindi pa siya mamamatay. Pinatay agad siya," ayon naman kay Morly Alinio na co-host ni Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Na-insecure daw ang Lolo Cardo mo dahil napakagaling. Nakita niya na pinupuri-puri talaga ng mga press people at mga vloggers itong si Arjo... Pinaiksi, ganun naman talaga 'di ba?" dagdag pa ni Cristy.

Minsan na rin daw nabanggit ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na ito ang nakuha umano ng hilig at galing niya sa pag-arte.

"Actually, trivia lang ate Cristy. Naikikwento ni Sylvia dati na sa mga anak daw niya, kay Arjo niya nakita ang galing sa pag-arte. Dahil hindi pa raw ito artista, arte na ito ng arte sa harap niya," kwento muli ni Morly.

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Read also

John Arcilla, aminadong nate-tense sa mga pagbabanta sa kanya

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button. Matatandaang sa YouTube channel din na ito ni Cristy nasabi na buntis 'di umano ang aktres na si Julia Montes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel