MG, humingi ng dispensa kay Donnalyn Bartolome; binura ang kanyang post

MG, humingi ng dispensa kay Donnalyn Bartolome; binura ang kanyang post

- Agad na nag-sorry si MG kay Donnalyn Bartolome kaugnay sa nauna niyang post tungkol sa birthday celebration ni Donna

- Aniya, agad niyang binura ang nauna niyang post dahil tila umano na-misinterpret ang kanyang tanong

- Hiniling niya din kay Donnalyn na sana ay burahin na nito ang kanyang post na video ng kanta

- Ani MG, hindi umano siya ang kumanta ng awiting iyon ngunit inamin niyang fanboy daw talaga siya noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiniling ni MG na sana ay burahin na ni Donnalyn Bartolome ang pinost niyang kanta. Nilinaw niyang hindi umano siya ang kumanta niyon ngunit inamin niyang fanboy daw talaga siya noon ni Donnalyn.

MG, humingi ng dispensa kay Donnalyn Bartolome; binura ang kanyang post
MG, humingi ng dispensa kay Donnalyn Bartolome; binura ang kanyang post (@MakagagoWM09)
Source: Facebook

Humingi din siya ng dispensa at agad umano niyang binura ang kanyang post dahil aniya ay tila umano na-misinterpret ang kanyang tanong.

Read also

Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration

Whats Up Sa Mga Kahombre ko dyan kamusta hehe.. Wala naman akong sinabing masama kay Donnalyn dba? Ang ginawa ko dinelete ko agad agad yung status ko after 2 minutes kasi mukhang na misinterpret yung tanong ko.
Mali tlga ako don sorry na Donna. Nakakahiya na to masyado, Fanboy naman tlga ako dati e, syempre sya. Naman tlga yung isa sa matitindi dati alam naman ng lahat yan dba ? Pero hindi ako yang kumanta ng kanta na yan.Tigilan nyo na ako hehe.. masyado na tayong madrama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

MG, humingi ng dispensa kay Donnalyn Bartolome; binura ang kanyang post
MG, humingi ng dispensa kay Donnalyn Bartolome; binura ang kanyang post (@facebook.com/MakagagoWM09)
Source: Facebook

Nagsimula ito nang magpost si MG sa Facebook kung saan tinanong niya na baka sinasadya umano ni Donna ang mga post niya para mang-trigger ng emosyon ng mga tao.

Si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay isang content creator na unang sumikat sa kanyang mga diss videos. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2.7 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Makagago Wazzup Man.

Read also

Ogie Diaz sa mga 'jejemon' bashers niya; "Imbes na maapektuhan ako, natatawa na lang ako"

Kamakailan lang nang ilabas niya ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Si Zeinab Harake umano ang piniling damayan ni Makagago laban kay Skusta Clee at sa mga kaibigan nitong "kunsintidor" umano. Sa kanyang nilabas na video ay binahagi niya ang screenshot ng umano't patunay ng pagkakaroon ng ibang "chicks" ni Flow G.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel