Toni Fowler, muling sumailalim sa panibagong lip enhancement

Toni Fowler, muling sumailalim sa panibagong lip enhancement

- Binahagi ni Toni Fowler sa kanyang pinakabagong YouTube video ang kanyang pagpapaayos na muli ng kanyang bibig

- Aniya, matagal niyang pinag-isipan kung itutuloy niya ang gusto niyang lip enhancement at natuloy na nga ito

- Kasama ang kanyang boyfriend na si Vince Flores, pinakita ni Toni ang resulta ng kanyang pinabawasang bibig para maiba ang hugis nito

- Ibabahagi pa umano ni Toni ang magiging kakalabasan ng kanyang lip enhancement matapos ang ilang araw niyang pagpapagaling

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagpagawa ng kanyang lips si Toni Fowler at pinakita niya ito sa kanyang pinakabagong YouTube video. Pinabawasan niya ang kanyang bibig para ma-achieve ang gusto niyang hugis nito.

Toni Fowler, muling sumailalim sa panibagong lip enhancement
Toni Fowler, muling sumailalim sa panibagong lip enhancement @tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ayon kay Toni, manipis lang ang tinanggal sa kanyang bibig at halos balat ng ang pinatanggal niya. Aniya, ibabahagi pa niya ang magiging kakalabasan ng kanyang lip enhancement matapos ang ilang araw niyang pagpapagaling.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel