Whamos Cruz, pinalagan yung mga gumawa ng isyu kaugnay sa pinamigay nilang pagkain

Whamos Cruz, pinalagan yung mga gumawa ng isyu kaugnay sa pinamigay nilang pagkain

- Pinalagan ni Whamos Cruz ang mga mapanirang post ng ilang mga Facebook page kaugnay sa pinamigay nilang pagkain para sa estudyante na nagtapos kasabay ni Antonette kamakailan

- Kumalat kasi ang mga post na umano ay may mga nagreklamo sa pinamigay nilang pagkain dahil sa dami umano ng pera niya ay iyon lang ang kanilang pinamigay

- Nilinaw ni Whamos na walang nagrereklamo sa paaralan ni Antonette kagaya ng mga pinapalabas sa mga post

- Itinanggi niya rin na pancit canton ang pinamigay niyang pagkain na nakalagay sa styro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinalampas ni Whamos Cruz ang mapanira at malisyosong post ng ilang social media pages kaugnay sa pinamahagi nilang pagkain kamakailan sa araw ng pagtatapos ni Antonette. Nilinaw din niya na walang nagrereklamo sa paaralan ni Antonette kagaya ng mga pinapalabas sa mga post.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Whamos Cruz, pinalagan yung mga gumawa ng isyu kaugnay sa pinamigay nilang pagkain
Whamos Cruz, pinalagan yung mga gumawa ng isyu kaugnay sa pinamigay nilang pagkain (Whamoscruz)
Source: Facebook

Aniya, siya mismo ang nakaisip noon dahil ang gusto niya ay mabigyan ang mga estudyante dahil wala umanong mabibilhan ng pagkain doon at natutuwa din siya para sa mga mag-aaral na nagtapos.

Aniya, aminado siyang hindi naman kamahalan ang kanilang pinamigay ngunit pinaghirapan at pinagpuyatan umano nila iyon. Nag-trending sa social media ang tunkol sa isyung ito kaya napagpasyahan nila na linawin na ang tungkol dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Amo ni Jovelyn Galleno, binahagi ang kwento noong araw na nawala ang dalaga

Kamakailan ay nilinaw nina Whamos at Antonette Gail scripted ang vlog nila kung saan bumili si Antonette ng regalo para kay Whamos. Gayunpaman, iyon lamang daw ang scripted video nila at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos. Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos.

Sa naunang ulat ng KAMI, inanunsyo na ng vlogger couple na sina Whamos at Antonette Gail na magkakaroon na umano sila ng baby. Ipinakita ni Antonette ang dalawang pregnancy test na pareho ang resulta na nagdadalang-tao nga siya. Ayon naman kay Whamos, pinag-isipan talaga nila ito at siniguro munang maayos ang kanilang pamumuhay para sa magiging anak

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel