Cristy Fermin, pinayuhan si Tekla; "Kapag 'di mo yan iningatan, mawawala 'yan sa isang iglap"

Cristy Fermin, pinayuhan si Tekla; "Kapag 'di mo yan iningatan, mawawala 'yan sa isang iglap"

- Pinayuhan ni Cristy Fermin si Super Tekla na napapabalitang bumabalik umano sa mga bisyo nito

- Bukod pa rito, naging matunog din ang umano'y pagdadalang-tao muli ni Michelle na dati nitong kinakasama

- Ayon kay Cristy, milyon-milyong Pilipino ang nais na makamit ang tinatamasang biyaya ni Tekla ngayon

- Kaya naman, sana'y hindi na raw ito sayangin pa ng komedyante na makailang beses na umanong nabigyan ng pagkakataon ng mga taong naniniwala pa rin sa kakayahan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinayuhan ni Cristy Fermin ang komedyanteng si Super Tekla na ngayong usap-usapan muli dahil sa umano'y pagbabalik bisyo nito.

Nalaman ng KAMI na bukod sa sinasabing mga bisyo ni Tekla, matunog ang balitang buntis muli ang dati niyang kinakasama na si Michelle.

Cristy Fermin, pinayuhan si Tekla; "Kapag 'di mo yan iningatan, mawawala 'yan sa isang iglap"
Tekla (SuperTeklah Librada)
Source: Facebook

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! napag-usapan nina Cristy, Wendell Alvarez at Morly Alinio ang sinasabing nagaganap ngayon kay Super Tekla.

Read also

Alex Diaz sa pagkakaroon ng mga anak ni Ogie Diaz: "paano nangyari 'yun?"

"Ako sa totoo lang, nalulungkot ako para kay Tekla," bungad ni Morly. "Imagine, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng kung anoman ang meron siya ngayon. Dati nagda-droga siya, sabihin na nating droga, idagdag pa natin 'yung alak. Tapos ate Cristy nagca-casinö pa siya ng bonggang-bongga inuubos pa niya ang pera. Ang tanong ko nga ate Cristy, wala ba siyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya?" dagdag pa ni Morly.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Palagay ko nadadaig siya ng kapritso niyang pansarili. Kasi kung meron, hindi niya gagawin yan," sagot naman ni Cristy.

Naikwento rin nito na nagtampo umano si Willie Revillame kay Tekla dahil sa biglaang paglisan daw nito sa Wowowin.

"Naku Tekla! Basta ito lamang ang maipapayo namin sa'yo kung totoo man 'yung mga kwento na bumalik ka na naman sa dati. Talikuran mo na 'yan. Kung alam mo lang kung gaano karami, milyon-milyong Pilipinong kababayan natin ang gustong pumalit sa posisyon na hawak mo ngayon," payo ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin, idinetalye ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Si Super Tekla ay kilalang komedyante ng GMA 7. Humarap man sa matinding kontrobersya noong nakaraang taon nang ipa-Tulfo siya ng kanyang dating kinakasamang si Michelle, naging daan naman ito upang mabuksan ang oportunidad sa kanila ni Donita Nose na magkaroon ng YouTube channel na 'Donekla in Tandem.'

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Umabot sa 3.19 million ang subscribers sa kanilang YouTube channel subalit noong Enero 30 ng kasalukuyang taon, inanunsyo nila ang paghihiwalay bilang magka-tandem na inakala pa ng marami na isang prank lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel