Marlou Arizala, binahagi sa social media na isa na siyang ama

Marlou Arizala, binahagi sa social media na isa na siyang ama

- Binahagi ni Marlou Arizala sa pamamagitan ng isang Facebok post na isa na siyang ama

- Wala itong ibinahaging ibang detalye kaugnay sa isinapubliko niyang balita ngunit magkakaroon umano siya ng gender reveal

- Sa kanyang live video ay sinabi niyang ibabahagi niya sa mga gagawin niyang video ang journey niya sa pagiging isang first time dad

- Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media matapos siyang sumailalim sa make over

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Marlou Arizala, isa na siyang ama. Wala pa itong sinabing karagdagang detalye kaugnay sa kanyang pagiging ama ngunit inabi niyang ibabahagi niya sa mga gagawin niyang video ang journey niya sa pagiging isang first time dad.

Marlou Arizala, binahagi sa social media na isa na siyang ama
Marlou Arizala, binahagi sa social media na isa na siyang ama (facebook.com/XanderAFordOfficial)
Source: Facebook

Binati naman siya ng ilan sa kanyang mga followers at subscribers. Sa kanyang Facebook live video ay nakalagay ang mga salitang "Abangan nyo Soon Gender Reveal."

Read also

Huling panayam kay Cherie Gil, binalikan ng publiko matapos ang pagpanaw nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nakalabas na ng kulungan si Marlou matapos na makapagpiyansa ng P18,000 sa tulong ng kanyang talent agency. Dinakip siya noong Disyembre 22,2020 dahil sa isinampang kaso ng kanyang dating girlfriend na si Ysah Cabreja. Nilabag umano ni Marlou ang RA 9262 o Violence Against Women and their Children dahil sa nagawa sa dating nobya. Nagsisisi umano siya sa nagawa at handa raw siyang makipag-ayos sa kanyang dating nobya.

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Ibinahagi ni Xian Gaza na binigyan na niya umano ng trabaho si Marlou. Matatandaang kamakailan ay humingi ito ng tulong sa kanya nagbabaka sakaling may trabahong maaring ibigay sa kanya. Nagbiro man si Xian na dadalhin umano niya sa Ukraine si Xander, binigyan pa rin niya ito ng mapapagkakitaan.

Read also

Ivana Alawi, may 15 million subscribers na sa YT; 15,000 naman ang natulungang pamilya

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-uusap nila Marlou at Xian Gaza. Naibahagi ni Xian ang kanilang naging pag-uusap kung saan sinabi ni Marlou na nais niyang magpatayo ng pizza business. Agad namang nagbigay ng kanyang mga suggestions si Xian para sa binabalak ni Marlou na itayong negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel