Rob Moya, pabirong sinabihan ni Vince Flores na may ubo sa utak

Rob Moya, pabirong sinabihan ni Vince Flores na may ubo sa utak

- Mismong si Rob Moya ang nagbahagi ng screenshot ng mensahe niya kay Toni Fowler kung saan sinabi niyang parang mahal pa daw niya si Toni

- Makikita naman sa sagot sa kanyang mensahe na si Vince Flores ang nakabasa sa kanyang message dahil may sakit umano si Toni

- Biglang bawi naman si Rob sa kanyang sagot kung saan isang chain message ang kanyang naging tugon

- Sa mga sumunod na screenshots ay pabirong sinabihan ni Vince si Rob na may ubo umano ito sa utak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Rob Moya ang screenshot ng kanyang message kay Toni Fowler. Nagkataon naman na si Vince Flores ang nakabasa at sumagot sa kanyang mensahe kung saan sinabi niyang parang mahal pa daw niya si Toni.

Rob Moya, pabirong sinabihan ni Vince Flores na may ubo sa utak
Rob Moya, pabirong sinabihan ni Vince Flores na may ubo sa utak (facebook.com/official.robertmoya)
Source: Facebook

Kasunod nito ay napatanong si Vince kung ano na naman ang sinasabi nito kay Toni. Isang chain message naman ang sagot ni Rob sa message ni Vince.

Kapansin-pansin din ang pagtawag nito nang "asawa ko" kay Toni. Nakasulat naman sa capital letters ang sagot ni Vince na "jowa ko." Sa mga sumunod na screenshots ay pabirong sinabihan ni Vince si Rob na may ubo umano ito sa utak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya. Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal. Nang sinagot na ni Toni si Vince Flores ay minabuti niyang patawarin na si Rob.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel