Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya

Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya

- Ayon kay Vanessa Raval, gumawa siya ng issue para patahimikin ang isyu ng taong hindi niya binanggit kung sino

- Aniya, ito ay sa kabila ng magiging resulta nito na sa kanya magagalit ang tao

- Gayunpaman, itinanggi umano siya ngunit aniya mahal pa rin daw niya ang taong ito na sinubukan niyang pagtakpan

- Sa kasalukuyan ay burado na ang post na ito ni Vanessa ngunit marami ang nakapag-save ng kopya nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Vanessa Raval na gumawa umano siya ng isyu para pagtakpan ang taong hindi niya binanggit kung sino. Gayunpaman aniya, mahal pa rin niya ito kahit itinanggi siya.

Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya
Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Kahit binura ni Vanessa ang Facebook post niyang ito, marami sa mga netizens ang nakakuha ng kopya kaya kumalat pa rin ito sa social media.

Sa isa pang post ay inamin niyang scripted at gawa-gawa lamang niya ang kanyang post na talaga namang lumikha ng ingay kamakailan. Sa kanyang bagong post ay humingi siya ng dispensa sa kanyang nagawa dahil sumugal lang daw siya sa mga taong mahal niya sa buhay.

Read also

Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post

Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya
Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vanessa Raval ay nakilala bilang anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala din siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Nagsalita na si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel