Vince Flores, pinanindigang mahal niya si Toni Fowler sa gitna ng pambabatikos sa girlfriend

Vince Flores, pinanindigang mahal niya si Toni Fowler sa gitna ng pambabatikos sa girlfriend

- Nanindigan si Vince Flores sa pagmamahal niya para kay Toni Fowler sa gitna ng mga bumabatikos sa kanyang girlfriend

- Kaugnay ito sa pagsampal ni Toni kay Vince dahil napaniwala ito na iniinsulto ni Vince ang bestfriend niyang si Anthony Leodones

- Lingid sa kaalaman niya ay pinagplanuhan pala nina Vince at Anthony na i-prank siya

- Ayon kay Vince, hindi magbabago ang pagmamahal niya para kay Toni kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Vince Flores, hindi magpapabago ng pagmamahal niya kay Toni Fowler kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. Naiintindihan niya umano ang naging reaksiyon ni Toni kung saan nasampal siya nito.

Vince Flores, pinanindigang mahal niya si Toni Fowler sa gitna ng pambabatikos sa girlfriend
Vince Flores, pinanindigang mahal niya si Toni Fowler sa gitna ng pambabatikos sa girlfriend (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Vince na alam niya kung gaano magtimpi si Toni na umaabot sa pagkaka-ospital nito. Naiintindihan niya umano na iniiwasan lang ni Toni na maulit ang dating nangyari na hindi magkasundo ang karelasyon niya at ang bestfriend niya.

Read also

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince Flores

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel