Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince Flores

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince Flores

- Ayon kay Toni Fowler ay mabigat talaga umano ang kamay niya at inaamin niya ito

- Ito ay sa gitna ng mga natatanggap niyang pambabatikos dahil sa kanyang pagsampal kay Vince

- Gayunpaman, aniya ay si Vince na lang ang magde-desisyon kung iiwan ba siya nito o mananatili bilang boyfriend niya

- Sinabi niya ring naiintindihan niya ang mga reaksion ng netizens laban sa kanya dahil sa kanyang nagawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Toni Fowler na mabigat daw talaga ang kanyang kamay. Aniya ay si Vince na lang ang magde-desisyon kung iiwan ba siya nito o mananatili bilang boyfriend niya.

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince
Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa gitna ng mga natatanggap na negatibong komento at reaksiyon sa video kung saan nasampal niya ang boyfriend, sinabi ni Toni na naiintindihan niya kung bakit marami ang nagalit sa kanya at hindi na siya nagpaliwanag. Aniya, tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao.

Read also

Vince Flores, pinanindigang mahal niya si Toni Fowler sa gitna ng pambabatikos sa girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince
Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince (www.facebook.com/tonifowlerpo)
Source: Facebook

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel