Vanessa Raval, pinangalanan na sa wakas ang tinutukoy na rapper sa kanyang post

Vanessa Raval, pinangalanan na sa wakas ang tinutukoy na rapper sa kanyang post

- Ayon kay Vanessa Raval, hindi talaga si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy na rapper sa kanyang post

- Sa isang video ay minabuti niyang sabihin na lang ang pangalan ng umano'y taong kanyang tinutukoy

- Binaggit niya ang pangalang Miguelito na kilala din bilang si Haring Manggi na umano'y kanyang tinutukoy

- Aniya, hindi naman siya natatakot kung kakasuhan siya ng kampo ng naturang rapper na kanyang binaggit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinangalanan ni Vanessa Raval ang rapper na si Migueito o kilala din bilang si Haring Manggi na siya umanong kayang tinutukoy sa kanyang post kamakailan. Muli niyang itinanggi na si Skusta Clee ang nag-chat sa kanya.

Vanessa Raval, pinangalanan na sa wakas ang tinutukoy na rapper sa kanyang post
Vanessa Raval, pinangalanan na sa wakas ang tinutukoy na rapper sa kanyang post (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Dagdag pa ni Vanessa, hindi umano niya kilala si Skusta at wala umano silang koneksiyon. Sinabi pa nito na kung kakasuhan siya ng kampo ng rapper na kanyang binaggit ay hindi siya natatakot. May pera naman umano siya.

Read also

Vanessa Raval, susugurin daw si Aljur Abrenica pag nabuntis at hindi nito paninindigan ang ate niya

Pinayuhan niya pa ang rapper na tigilan ang umano'y pambabastos nito sa mga babae.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya tuluyang pumapasok sa mundo ng showbiz, sumikat siya sa pagiging isang content creator at TikToker at mayroon na ring daang libong followers sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Nagsalita na si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel