Cristy Fermin, sinabing natakot si AJ Raval sa maaring gawin ni Kylie Padilla

Cristy Fermin, sinabing natakot si AJ Raval sa maaring gawin ni Kylie Padilla

- Muling nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin tungkol sa ibinunyag niyang 'di umano'y pagbubuntis ni AJ Raval

- Mariin pa rin itong itinanggi ni AJ at sinabing sa COVID-19 siya umano nagpositibo at hindi sa pregnancy test

- Matapang na sinabi ni Cristy na maaring natatakot umanong umamin si AJ sa posibleng gawin ni Kylie Padilla

- Isa rin sa sinasabing dahilan ng pag-deny ay ang hindi pa rin nakukumpirmang relasyon nito kay Aljur Abrenica na umano'y ama ng ipinagbubuntis nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang channel na Showbiz Now Na! ang umano'y pagdadalang-tao ng actress na si AJ Raval.

Cristy Fermin, sinabing maaring natakot si AJ Raval sa maaring gawin ni Kylie Padilla
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na matapos kasi nila umanong tahasan na sabihing totoo ang pagbubuntis ng 'pandemic star', mariin pa rin nitong itinanggi ang pasabog ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin, umaasang may pasabog umano si Kris sa showing ng 'Maid in Malacañang'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Papaano niya nalaman na negative ang pregnancy test niya kung hindi siya nagdududa sa kanyang sitwasyon. 'di ba?" ayon kay Cristy.

"Kaya siguro, ito'y akin lamang opinyon. Kung mali ako sorry po, kung tama ako sumang-ayon na lang po kayo. Siguro natakot siya sa sinasabi ng marami na kapag nalaman ni Kylie Padilla ang sitawasyon niya, kakasuhan siya," dagdag pa nito.

Isa rin sa sinasabi nilang dahilan ng hindi pag-amin ni AJ ay ang hindi pa rin nito pagkumpirma ng relasyon nila ni Aljur Abrenica na itinuturong ama ng ipinagbubuntis daw ni AJ.

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy, Romel at Morly mula sa YouTube channel nilang Showbis Now Na!:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

AJ Raval, nagpositibo umano sa COVID; tinangging buntis siya

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa Showbiz Now Na! din napag-usapan nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa napabalitang paglipat na umano ni Sarah G sa GMA. Hindi daw ito malayong mangyari noon gayung isang VIVA talent si Sarah G.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel