Beauty Gonzalez, naiyak nang mapag-usapan ang mister na si Norman Crisologo

Beauty Gonzalez, naiyak nang mapag-usapan ang mister na si Norman Crisologo

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Beauty Gonzalez nang mapag-usapan ang mister na si Norman Crisologo

- Naikwento rin kasi niya kung paano sila nagkakilala at nagkamabutihan hanggang sa tuluyang mabiyayaan ng anak

- Aniya, marami itong naidulot na mabuti sa kanya sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay

- Kasama pa mismo ni Beauty si Norman sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa Toni Talks

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naluha si Beauty Gonzalez habang napag-uusapan nila ni Toni Gonzaga ang tungkol sa mister nitong si Norman Crisologo.

Beauty Gonzalez, naiyak nang mapag-usapan ang mister na si Norman Crisologo
Beauty Gonzalez and Norman Crisologo (@beauty_gonzalez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sadyang emosyonal ang aktres pagdating sa kanyang anak at maging sa kanyang mister.

"My life totally changed," bungad ni Beauty na agad na naluluha na habang sinasabi ang mga magagandang bagay na nabago sa kanya buhat nang dumating si Norman.

Read also

Beauty Gonzalez, makulit na kinuwento ang pagpapasuot ng dog shirt sa anak

"The way I think anout things, The way I carry myself... And he totally knows me. It's really unbelievable. I really get emotional about Norman kasi I'm really lucky in all aspects. Naging maayos 'yung relationship ko with my mom. And I think I'm a better person because of him," Paliwanag ni Beauty.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At mas lalong humanga si Beauty kay Norman nang minsang nagpunta ang ina nito sa kanilang lugar. Aminadong hindi hinarap ni Beauty ang ina na ang nakausap na lamang ay si Norman.

Doon nasabi ng ina ni Beauty kay Norman na maraming problema ang actress. Ngunit maayos naman itong sinagot ni Norman at sinabing, hindi siya kasama sa mga problema na ito ni Beauty bagkus, siya ang solusyon.

Narito ang kabuuan ng makabuluhang kwentuhan nina Beauty at Toni mula sa Toni Gonzag Studio:

Read also

Aiko Melendez, napa 'oh my God!' sa umano'y takbo ng relasyon ng LizQuen ayon kay Jovi Vargas

Si Beauty Gonzales ay isang Spanish-Filipino actress sa bansa. Una siyang napasabak sa telebisyon nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother Teen edition noong 2008 kung saan hinirang siya bilang 4th Big Placer. Mula noon, pinasok na rin ni Beauty ang showbiz. Mas nakilala si Beauty sa pagganap niya bilang si Romina Andrada-Mondragon sa 'Kadenang Ginto'

Taong 2016 naman nang ipanganak niya ang unica hija nila ni Norman na si Olivia. Sumunod na taon, nagkasal na rin sina Beauty at Norman sa Tagaytay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel