Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas

Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas

- Ayon kay Maggie Wilson, malapit na umanong lumabas ang buong katotohan

- Ito ay sa gitna ng dinanas ng kanyang pamilya matapos umano'y pasukin ng staff ng kanyang dating asawa ang kanyang property

- Kasunod ito ng nilabas ng warrant of arrest kaugnay sa 3 counts of adultery na sinampa ng dating asawa niya laban sa kanila ni Tim Connor

- Sa nilabas na pahayag ng kampo ni Maggie, sinabi nila na hindi nila palalampasin ang paglabag sa kanilang home privacy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpahiwatig si Maggie Wilson tungko sa umano ay buong katotohanan na malapit nang lumabas. Ito ang mensaheng kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram story.

Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas
Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Wala itong direktang pahayag tungkol sa kung anong katotohanan ang kanyang tinutukoy ngunit sa base sa kanyang pinakaunang IG story kahapon, matapang ang kanyang pahayag kaugnay na “When someone tries to back you in to a corner. I’m not scared to tell all” at “what really happened last summer."

Read also

Erika Poturnak, nagbahagi ng TikTok video matapos magpabawas ng dibdib

Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas
Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maggie Wilson ay isang TV Actress na isinilang noong March 15, 1989. Ang British-Filipino actress ay isa ding beauty queen at reality television personality. Kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nina Maggie at Victor ang kanilang paghihiwalay ngunit anila'y mananatili silang magiging magkaibigan. Naging usap-usapan din ang cryptic post ni Maggie tungkol sa kung ano ang nagpalakas sa kanila kasunod ng paghihiwalay sila ni Victor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel