Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng umano'y pakikipag-usap sa Meralco

Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng umano'y pakikipag-usap sa Meralco

- Binahagi ni Maggie Wilson ang isang audio recording ng pakikipag-usap nila sa Meralco

- Kaugnay ito sa pagkawala ng kuryente sa unit nila matapos ang umano'y pagpasok sa kanyang property ng mga staff ng kanyang dating asawa

- Base sa recording na binahagi ni Maggie sa kanyang IG story, sinabi ng nakausap nila na pinatanggal umano ng may-ari ang circuit breaker ng kanilang metro

- Dagdag pa nito, wala silang magagawa at mas mabuti umanong makipag-usap na lamang ang kampo nila Maggie sa may-ari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Maggie Wilson ang nagbahagi ng audio recording ng umano'y naging pahayag ng Meralco nang tawagan nila ito kaugnay sa pagkawala ng kuryente sa unit nila gayong may ilaw naman sa ibang unit na katabi nila. Pinatanggal umano ng may-ari ang circuit breaker ng kanilang kontador.

Read also

Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas

Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng pakikipag-usap sa Meralco
Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng pakikipag-usap sa Meralco (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Ayon pa sa lalaki, hindi nila sakop ang mga ganoong usapin kaya mas maigi umanong makipag-usap ang kampo ni Maggie sa may-ari ng unit.

Si Maggie Wilson ay isang TV Actress na isinilang noong March 15, 1989. Ang British-Filipino actress ay isa ding beauty queen at reality television personality. Kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nina Maggie at Victor ang kanilang paghihiwalay ngunit anila'y mananatili silang magiging magkaibigan. Naging usap-usapan din ang cryptic post ni Maggie tungkol sa kung ano ang nagpalakas sa kanila kasunod ng paghihiwalay sila ni Victor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Connor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel