Ogie Diaz sa kontrobersyal na mga larawan ni Jeric Gonzales; "'Di raw indie film 'yun"

Ogie Diaz sa kontrobersyal na mga larawan ni Jeric Gonzales; "'Di raw indie film 'yun"

- Nakarating kay OGie Diaz a hindi raw umano kuha sa isang Indie Film ang mga inilabas kamakailan na larawan ni Jeric Gonzales

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aniya ang umano'y matandang lalake na kasama ni Jeric sa mga larawan ay producer ng ginawa nitong Indie Film

- Depensa nito, hindi raw nila alam na kinukuhanan na pala sila ng mga larawan

- Matatandaaang kamakailan lamang ay nag-unfollow na sa isa't isa sina Jeric at ang napabalitaang kasintahan nito na si Rabiya Mateo

Naikwento ni Ogie Diaz sa pinakabagong episode ng Showbis Now Na! ang tungkol sa mga kontrobersyal na mga larawan ni Jeric Gonzales at di na pinangalanan pang lalake.

Ogie Diaz sa kontrobersyal na mga larawan ni Jeric Gonzales; "'Di raw indie film 'yun"
Jeric Gonzales (@jericgonzales07)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Read also

Cristy Fermin sa nababalita umanong buntis si Julia Montes; "Aminin kung totoo"

Ayon umano sa nakarating na balita kay Ogie D, totoo at hindi scripted ang mga larawang yung Kapuso actor.

"It happened... in reality," bungad ni Ogie at sinabing maari naman itong pabulaanan ni Jeric.

'"Yung matanda raw kasi ay producer 'nun. So parang nag-uusap silang ganun ayun nga nagkunwa-kunwarian sila... Hindi raw nila alam na kinukunan sila."

At ang nakakagulat pa umano sa mga larawan, kuha lamang ito ngayong taon.

Dagdag pa ni Ogie, nasabi ng kanya umanong source na hindi iyon ang unang pagkakataong na-link si Jeric sa kapwa niya lalake.

Matatandaang kamakailan lamang, nagtaka ang mga netizens nang makitang nag-unfollow umano sa isa't isa sa Instagram si Jeric at ang napabalitang girlfriend nito na si Rabiya Mateo.

Burado na rin umano ang mga larawan nila ni Jeric sa Instagram ni Rabiya.

Narito ang kabuuan ng mga chika nina Ate Mrena, Mama Loi at Ogie Diaz sa kanilang YouTube Channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Paggaya ng isang pamilya sa picture nina Coleen Garcia, kinaaliwan ng netizens

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Sa naturang YouTube channel din nabanggit ni Ogie Diaz ang kalagayan ngayon ni Kris Aquino. Aniya, rumeresponde sa mga treatment si Kris na masasabing magandang balita para sa kanyang kalagayan. Aniya, tila magtatagal sa Amerika ang 'Queen of all media' para sa kanyang gamutan. Hiling naman nila ang tuluyang paggaling ni Kris sa kabi-kabilang karamdamang nilalabanan nito para sa mga anak na sina Josh at Bimby.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel