Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl, nilinaw na wala silang kinakampihan

Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl, nilinaw na wala silang kinakampihan

- Nilinaw ni Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si 'Pastillas Girl' na wala umano siyang kinakampihan kina Zeinab Harake at Skusta Clee

- Kaya umano hindi siya pumapatol sa mga sinasabi laban sa kanya dahil alam niya raw na ginawa niya ang part niya

- Aniya, wala silang karapatan na manghimasok sa buhay ng iba kaya wala umano silang kinakampihan

- Sinabi niya din na hindi basehan ng pagkakaibigan yung makikisawsaw at makisali sa mga isyu sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si 'Pastillas Girl', alam niyang ginawa niya ang part niya kaya hindi siya pumatol sa mga patutsada laban sa kanila. Gayunpaman, pinasalamatan niya si MG dahil nagkaroon umano siya ng pagkakataon na sagutin ang mga isyu dahil sa aniya'y "pakikisawsaw" nito.

Read also

Angelica Yap, sinabing mas pinipili nila ni Flow G. na laging ayusin ang problema

Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl, nilinaw na wala silang kinakampihan
Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl, nilinaw na wala silang kinakampihan (@angelicajaneyap)
Source: Instagram

Ani Angelica, bilang kaibigan ay wala silang kinakampihan ngunit hindi umano tama na iiwasan nila si Skusta Clee dahil sa isyung kinasasangkutan nito.

Wala din umano siyang karapatan na pagbawalan si Flow G na makipagkaibigan at makatrabaho si Skusta Clee dahil wala pa umano siya sa buhay ni Flow G ay kaibigan niya na si Skusta.

Para sa kanya, mababaw umano na basehan ng pagkakaibigan yung makikisawsaw at makisali sa mga isyu sa social media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naging mainit ang isyu kaugnay dito matapos maglabas ng video si MG tungkol dito dahil aniya ay nais niyang ipagtanggol si Zeinab laban kay Skusta Clee at sa mga kaibigan umano nito na kunsintidor.

Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Read also

OFW, pinakasalan ngunit iniwan ng mister makalipas lang ang dalawang buwan

Inamin naman ni Angelica na nasasaktan siya sa mga pang-ba-bash at pambabatikos ng mga fans ng AlDub. Isa si Angelica sa kasalukuyan sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 3 milyon ang subscribers. Kamakailan ay pinakita nito ang bagong bahay na tinitirahan nila ng kanyang boyfriend na si Flow G. ng Ex-Battalion.

Naging usap-usapan ang content creator na si MG matapos nitong ilabas ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel