Madam Kilay, nanggalaiti sa TikToker na nagsabing nanghihila siya ng kapwa pababa

Madam Kilay, nanggalaiti sa TikToker na nagsabing nanghihila siya ng kapwa pababa

- Hindi napigilan ni Madam Kilay na mapamura sa naging reaksiyon ng ilang social media personality sa kanyang nilabas kaugnay sa awarding para sa mga vlogger kamakailan

- Nanggalaiti siya lalo sa isang TikToker at CEO din kagaya niya na nagsabing nanghihila umano siya pababa ng kapwa niya

- Nilinaw ni Madam Kilay na hindi niya pinariringgan ang mga kapwa niya influencer ngunit ang kanyang inalmahan umano ay ang mga organizers na nanghihingi ng bayad

- Aniya, mas masarap tumanggap ng award na hindi kailangan bayaran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang kanyang pagbubunyag kamakailan kaugnay sa awarding na kailangan umanong bayaran, inalmahan ni Madam Kilay ang naging reaksiyon ng ilang mga YouTuber at influencer na kagaya niya. Napamura pa siya dahil sinabihan siya ng isang TikToker na nanghihila umano siya pababa.

Madam Kilay, nanggalaiti sa TikToker na nagsabing nanghihila siya ng kapwa pababa
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Nilinaw ni Madam Kilay na hindi niya pinariringgan ang kanyang mga kapwa vloggers. Nais niya umanong punahin ang mga organizers na pinagkakakitaan ang mga kagaya nila na bukod sa paghingi ng bayad ay napo-promote pa ang kanilang organization dahil sa tulong nga vloggers na mas marami ang followers.

Read also

Viy Cortez, ipinagtanggol ang mga vloggers na nabigyan ng award

Dagdag pa ni Madam Kilay, pinaganda lang ang terminong "sponsorship" ngunit ang totoo ay binayaran ng mga ito ang award na binigay sa kanila.

Aniya, nagpa-budol ang kanyang mga kapwa YouTuber dahil sa pagbayad nila. Hindi umano deserve ng mga YouTubers ang award na binayaran dahil cheating umano ang tawag dun.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inihambing pa nito ang nangyari sa pagbayad ng mga magulang sa PTA para magkaroon ng award ang kanilang anak. Nagsalita lang umano siya dahil sa naging parinig din sa kanya ng ilang YouTuber sa kanya dahil sa kanyang sinabi kaugnay sa awarding.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Read also

Angeline Quinto, umalma sa komento ng ilang netizens sa kanyang karelasyon

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel