Ibinahaging viral video ni AJ Raval, umani ng mga reaksiyon mula sa netizens

Ibinahaging viral video ni AJ Raval, umani ng mga reaksiyon mula sa netizens

- Sa gitna ng mga pang-iintriga kaugnay ng pagkakasama nila ni Aljur Abrenica kamakailan sa Leyte, isang video ang binahagi ni AJ Raval

- Hindi malinaw ang mukha ng dalawang tao sa nasabing video ngunit umani ito ng samu't-saring reaksiyon

- May mga naniniwalang sila ni Aljur ang nasa video na tila kuha sa tabing dagat at binubuhat ng lalaki ang babaeng kasama nito

- Wala namang caption na nilagay si AJ sa naturang video na kanyang binahagi sa kanyang Facebook page kaya marami ang lalong naintriga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng mga reaksiyon ang nakakaintrigang video na binahgi ni AJ Raval sa kanyang Facebook page. Ito ay sa gitna ng mga pang-iintriga sa kanya kaugnay ng pagkakasama nila ni Aljur Abrenica kamakailan sa Leyte.

Ibinahaging nakakaintrigang video ni AJ Raval, viral na
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Hindi malinaw ang mukha ng dalawang tao sa nasabing video ngunit umani ito ng samu't-saring reaksiyon. May mga naniniwalang sila ni Aljur ang nasa video na tila kuha sa tabing dagat at binubuhat ng lalaki ang babaeng kasama nito.

Read also

Ion Perez, emosyonal na nagbigay ng birthday message para sa kanyang ina

Sqamantala, wala namang caption na nilagay si AJ sa naturang video na kanyang binahagi sa kanyang Facebook page kaya marami ang lalong naintriga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

matatandaang matapos ang mga lumabas na espikulasyon, nilinaw ni Aljur Abrenica na trabaho ang dahilan kung bakit sila magkasama ni AJ Raval nitong nakaraang Valentines Day. Parehas lang umano silang naimbitahan kaya sila magkasama sa mga lumabas na viral pictures.

Sinabi ni Aljur na kumain at nagbihis lamang sila ni AJ sa resort para maghanda na sa kanilang show. Maging si AJ ay nagbahagi ng post mula sa ‘Don Orestes Romualdez Electric Cooperative, Inc.’ o DORELCO sa kanyang Facebook page kung saan makikita ang mga pictures nila ni Aljur na naging bahagi ng ribbon cutting ng isang radio station.

Si AJ Raval na anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez ay isa sa pinaka in-demand na bagong artista sa kasalukuyan. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" na idinerehe ni Direk Darryl Yap.

Read also

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

Sa isang vlog ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng milyon-milyon na views.

Hindi naman naging maganda ang pagtanggap ng ama ni AJ na si Jerick sa kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel