Xian Gaza, hindi pa tapos kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial

Xian Gaza, hindi pa tapos kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial

- Hindi pa tapos sa kanyang mga nilalabas na isyu si Xian Gaza at naglabas pa ito ng picture

- Sa kanyang Facebook post, sinabi nito na nag-away nang malala ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa isang hotel sa Tagaytay

- Aniya, sira-sira at basag-basag ang buong kwarto matapos mag-away nang malala

- Dagdag pa niya, ultimo bote ng wine ay ibinato pa umano sa aircon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang kanyang nilabas na Facebook post kamakailan kung saan tinanong niya si Diego Loyzaga kung ano ang ginagawa nito sa bahay ni AJ Raval sa Pampanga, may panibagong post na naman si Xian Gaza.

Xian Gaza, hindi pa tapos kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial
Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Aniya ay nag-checkout umano ang magkasintahang Diego at Barbie Imperial sa isang resort sa Tagaytay noong November 1 at iniwan umano nilang sira-sira ang kwarto dahil sa kanilang malalang pag-aaway.

Read also

Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

Kompirmd mga Mars! Barbie Imperial and Diego Loyzaga, nag-check out sa Escala Tagaytay last November 1 na sira-sira at basag-basag ang buong kwarto matapos mag-away nang malala. Ultimo bote ng wine ay ibinato sa aircon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naglabas pa ito ng picture ng aktor na kuha sa umano'y hotel na kanyang tinutukoy.

Nauna nang nag-deny si Diego sa mga akusasyon ni Xian at ipinakita rin niyang maganda ang relasyon niya kay Barbie.

Bago pa lumabas ang mga kontrobersiyal na pictures nila Aljur at AJ at kinalaunan ay nauwi sa patutsadahan nina Aljur at Kylie Padilla kamakailan. Kaya naman, marami sa mga netizens ang naiintriga sa mga post nito sa social media.

Dahil nga sa madalas nitong paglabas ng mga blind item at mga bali-balita tungkol sa mga sikat na personalidad, binansagan si Xian bilang "Pambansang Marites."

Read also

Xian Gaza, binigyan ng pera ang nagpadala sa kanya ng picture ni Diego Loyzaga mula sa Escala

Si Christian "Xian" Gaza ay unang sumikat sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para mag-coffee. Kasunod nito ay naging maingay ang pangalan niya lalo na nang madawit siya bilang isang scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapagpiyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Marami ang humanga sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa lalaking nahuling magnakaw ng diaper.

Muling naging usap-usapan ang billboard proposal niya kamakailan kung saan niyaya niya para sa isang dinner date si Jennie na miyembro ng K-pop group na Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel