Ogie Diaz, naniniwalang may namamagitan kina Ivana Alawi at Marco Gumabao

Ogie Diaz, naniniwalang may namamagitan kina Ivana Alawi at Marco Gumabao

- Tahasang sinabi ni Ogie Diaz na naniniwala umano siyang mayroong namamagitan kina Ivana Alawi at Marco Gumabao

- Ito ay matapos na lumaba at mag-viral ng video kung saan makikitang nagbi-videoke ang dalawa at napahawak pa umano si Marco kay Ivana

- Bilang isa sa mga batikang showbiz columnist, naniniwala si Ogie na kaya hindi pa magawang umamin ng dalawa ay dahil sa proyekto ni Marco kung saan kasama naman nito si Julia Barreto

- Napag-usapan din di umano ang sagot ni Joshua Garcia kung saan tila walang ibang motibo ang aktor kundi ang pakikipagkaibigan sa kabila ng pag-amin ni Ivana na hinahangaan siya nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz patungkol sa nag-viral kamakailan na video nina Ivana Alawi at Marco Gumabao na magkasamang nagbi-videoke.

Nalaman ng KAMI na naniniwala umano si Ogie D na may namamagitan na sa dalawa kahit wala pang kumpirmasyon sa magkabilang panig.

Read also

Zeinab Harake sa kanyang mga body shamers: "'Di ko alam saan ako lulugar"

Matatandaang napag-usapan nina Ogie Diaz at Ivana Alawi ang tungkol sa naging reaksyon ng aktres sa video greeting sa kanya ng hinahangaan niya sa showbiz na si Joshua Garcia.

Ogie Diaz, naniniwalang may namamagitan kina Ivana Alawi at Marco Gumabao
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Naikwento nitong nakaka-DM (direct message) na niya ang aktor at nakakakwentuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay naglabas naman ng pahayag si Joshua at sinabing bukas naman siya sa pakikipagkaibigan kay Ivana matapos ang rebelasyon.

Dahil dito, naniniwala umano si Ogie Diaz na walang pag-amin na nagaganap sa mga lalaking nali-link kay Ivana dahil pareho ang mga ito na may proyektong ipino-promote ngayon.

"Ako talaga naniniwala na havey, sina Ivana at Marco," ani Ogie Diaz.

"Much as Joshua wants to talk more about Ivana, e syempre ang awkward dahil hindi naman siya 'yung partner sa 'Viral' (movie)"
"Pero kung wala silang pino-promote pareho, naku tiyak, pag-uusapan 'yan at idi-discuss nila 'yan"

Read also

Nikko Natividad, ibinahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang stag party

Dagdag pa ni Ogie na opinyon laman niya ito bilang sanay na siya sa mga galawan umano ng artista at managers sa showbiz.

"Opinyon ko lang naman yan ha, na si Ivana at si Marco are playing sweet music together," ayon pa kay Ogie.

Narito ang kabuuan pa ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel