Ogie Diaz sa pagbura ni AJ Raval ng post sa socmed: "'Di rin makakatiis 'yan"

Ogie Diaz sa pagbura ni AJ Raval ng post sa socmed: "'Di rin makakatiis 'yan"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa umano'y pamamahinga ni AJ Raval sa social media

- Ito ay matapos ng kabi-kabilang intrigang kinaharap dahil sa naglabasang mga larawan nila ni Aljur Abrenica na magkasama sa mall

- Sunod-sunod na ang mga naging espekulasyon ng publiko, kabilang na rito ang akusasyong siya umano ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla

- Samantala, maaring sa susunod na taon na raw manunumbalik sa social media si AJ Raval

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinotoo na ni AJ Raval ang kanyang social media detox matapos na burahin ang lahat ng kanyang mga post sa Instagram.

Nalaman ng KAMI na sinabi ng 21-anyos na aktres na sa isang taon na siya maaring bumalik sa social media.

Ogie Diaz sa pagbura ni AJ Raval ng post sa socmed: "'Di rin makakatiis 'yan"
Photo: AJ Raval
Source: Facebook

Ito ay matapos na aminin na labis siyang naapektuhan sa mga espekulasyon at panghuhusga ng publiko nang lumabas ang larawan nila ni Aljur Abrenica na magkasama sa isang mall.

Read also

Teacher Dan, hindi nagpatinag kay Regine Velasquez sa pagkanta ng Chandelier

Sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update, hindi naiwasan ni Ogie Diaz na magbigay komento tungkol sa pagbubura ni AJ ng kanyang social media post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naku sabi-sabi lang 'yan, hindi rin makakatiis 'yan," ani Ogie D.

"Dami nang ganyan... Tapos sasabihin, hahahaha... I lied," dagdag pa nito.

Matatandaang nakatanggapdin ng mga akusasyonsi AJ na siya umano ang third party sa hiwalayan nina Aljur ar Kylie na pinabulaanan naman maging ni Kylie.

Subalit hindi maiwasang masaktan ng young actress na kalauna'y humingi rin ng tawad kay Kylie at pati na rin sa publiko dahil naman sa mga post niya kaugnay sa isyu nina Aljur at ni Kylie.

Si AJ Raval ay isang aktres, social media star at YouTube content creator. Siya ay anak ng kilalang action star sa bansa na si Jeric Raval. Mas nakilala si AJ dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang “Death of a Girlfriend,” kasama si Diego Loyzaga.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Kamakailan, naging matunog ang pangalan ni AJ nang magkalat sa social media ang mga larawan nila ni Aljur Abrenica na magkasama sa mall.

Diretsahan ding inamin ng aktres na nanliligaw sa kanya si Aljur at nagkakapalagayan ng loob.

Subalit naging kaakibat nito ang pagkakadawit sa hiwalayan nina Aljur at Kylie na siyang nakaapekto rin umano kay AJ dahil sa mga ipinupukol sa kanya ng publiko.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel