Ogie Diaz sa isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla: "Aayusin ni Robin yan"

Ogie Diaz sa isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla: "Aayusin ni Robin yan"

- Nagbigay ng komento si Ogie Diaz sa mga patusadahan ng panig nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

- Naniniwala raw siyang aayusin ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang mga kaganapang ito na tila araw-araw ay mayroong nadaragdag sa isyu

- Nabanggit din ni Ogie ang tungkol sa sitwasyon ngayon ni Kylie na nakatuon ang buong atensyon sa kanyang mga anak

- May nakapagkwento rin kay Ogie Diaz na common friend nila ni Kylie at sinabing naubos nga umano ang savings ng aktres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng kanyang tapat na komento si Ogie Diaz tungkol sa nangyayaring patutsadahan sa magkabilang panig nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Naniniwala umano si Ogie na maaayos din ang kontrobersiya sa pagitan nina Kylie at Aljur satulong ng ama ng aktres na si Robin Padilla.

Read also

Ogie Diaz sa Php6 million na pera ni Kylie Padilla: "Depleting talaga 'yung savings niya"

Ogie Diaz sa isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla: "Aayusin ni Robin yan"
Photo: Kylie Padilla
Source: Facebook

"Tingin mo ba 'nay mahaba pa 'to?" tanong ni Mama Loi kay Ogie D sa bagong showbiz update nila sa sa kanilang YouTube channel

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi, aayusin yan ni Robin," ang diretsang sagot ni Ogie.

Nabanggit din sa naturang update na isang common friend nila ni Kylie ang nagsabing naubos umano ang savings ng aktres dahil sa 'kinakapos' umano ang dating mag-asawa dahil din sa pandemya.

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Elias, kinaaliwan dahil sa reaksiyon matapos niyang paglaruan ang concealer

Kamakailan ay nakapanayam din ni Ogie si Ivana Alawi kung saan nabanggit naman ng aktres na nakaka-DM (direct message) na niya ang kanyang shoowbiz crush umano na si joshua Garcia.

Nabanggit din ni Ivana ang pagpayag niya sakaling alukin siyang pumasok sa bahay ni Kuya bilang isang celebrity housemate.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel