Awra Briguela humingi ng paumanhin sa pagsagot sa netizen na nag-alok ng tulong

Awra Briguela humingi ng paumanhin sa pagsagot sa netizen na nag-alok ng tulong

  • Naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagpapaliwanag ng kapamilya artist na si Awra Briguela matapos ang kanyang naging pabalang na sagot sa komento ng isang netizen sa kanyang vlog
  • Inamin ng tanyag na komedyante na nagkamali siya sa kanyang paunang reaksyon nang mapagkamalan niyang pambabash ang sincere na pag-aalok ng tulong ng netizen
  • Ibinahagi ng personalidad na naging awtomatiko na ang kanyang pagdepensa sa sarili dahil sa matinding dami ng pambabatikos at pang-insulto na natatanggap niya araw-araw online
  • Buong-pusong humingi ng paumanhin ang artist at nangakong magiging mas maingat at mag-iisip muna nang malalim bago magsalita o sumagot sa mga susunod na pagkakataon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Humingi ng paumanhin at nagpaliwanag ang TV at social media personality na si Awra Briguela matapos kaniyang pabalang na sagutin ang komento ng isang netizen na nag-aalok pala ng tulong.

Awra Briguela humingi ng paumanhin sa pagsagot sa netizen na nag-alok ng tulong
Awra Briguela humingi ng paumanhin sa pagsagot sa netizen na nag-alok ng tulong (đź“·Awra Briguela/Facebook)
Source: Facebook

Nagsimula ang insidente sa comment section ng kaniyang vlog tungkol sa kaniyang biyahe sa Vietnam. Isang netizen ang nag-alok ng tulong upang magsilbi sanang interpreter para sa kaniya.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa tsikang ipinalaglag umano ang kaniyang baby

Subalit napagkamalan ito ni Awra na pambabash kaya pabalang niya itong sinagot ng: "feeling hindi ka nga nakapag-highschool."

Nagsalita naman ang netizen at nilinaw ang kaniyang layunin sa pagsasabing, "I can speak Vietnamese. That's what I meant."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, naglabas ng panibagong pahayag si Awra sa comment section upang ipaliwanag ang kaniyang panig at akuin ang naging pagkakamali.

Inamin ng celebrity na naging awtomatiko na ang kaniyang paunang reaksyon na gumanti dahil sa dami ng bashing na kaniyang natatanggap araw-araw.

"Sa sobrang dami pong bash na natatanggap ko araw-araw, naging automatic na po ang initial reaction ko na lumaban o sumagot pabalik. Minsan, hindi ko na namamalayan na hindi na pala pangba-bash ang isang comment at sincere lang pala ang taong gusto akong tulungan," pahayag ni Awra.

Idinagdag pa niya na marami ang nagpopost ng negatibong komento tungkol sa kaniyang Ingles at gramatika sa comment section, dahilan para isipin niyang pinapahiya siya ng netizen.

"As you can see naman po sa comment section, marami pong nangba-bash sa English at grammar ko at may mga nagsasabing mukhang hindi raw ako nag-aaral. Dahil doon, mali ang naging interpretation ko sa comment niya. Akala ko po pinapahiya niya ako at sinasabing kailangan ko ng interpreter dahil sa English ko," dagdag niya.

Read also

Sarah Geronimo, ipinagdiwang ang 38th birthday kasama ang kanyang mga magulang

Inamin ni Awra na sobrang nahiya siya nang mapagtanto ang tunay na intensyon ng netizen. Nangako rin siyang magiging mas responsable at maingat sa mga susunod na pagkakataon.

"I promise to do better moving forward," ayon sa kaniya. "I will be more mindful, think before I speak or reply, and make sure I understand someone’s intentions first before reacting. Again, I’m truly sorry."

Matatandaang noong Mayo, nakatanggap din si Awra ng nakakabastos na komento mula sa isang propesor ng isang pamantasan sa Maynila. Dahil dito, sinabi ng celebrity na pinag-iisipan niyang pormal na ireport ang insidente sa administrasyon ng pamantasan at mangalap ng salaysay mula sa iba pang posibleng nakaranas din ng hindi wastong pagtrato mula sa nasabing propesor.

Si Awra Briguela ay isa sa mga kilalang performer sa industriya ng entertainment sa Pilipinas na unang nakilala at sumikat sa kanyang mga viral videos bago tuluyang naging bahagi ng mga sikat na palabas sa telebisyon at pelikula.

Habang patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang mga kaganapan sa buhay at karera ni Awra Briguela, marami rin ang nag-aabang sa iba pang mga personal na balita ukol sa kanya.

Read also

Kim Chiu, nagbahagi ng workout video sa gitna ng usaping buntis sya

Kaugnay nito, kamakailan ay nagbahagi si Awra ng isang emosyonal na kwento kung saan nagdasal siya sa 11:11 bago matanggap ang isang mabigat na balita ukol sa kanyang ina. Sa naturang ulat, inihayag ng young star ang kanyang saloobin habang hinaharap ang pagsubok na ito.

Bukod pa rito, muling nagpaabot ng mensahe si Awra sa kanyang mga tagahanga matapos magbahagi ng post sampung araw matapos ang kanyang operasyon. Ipinakita sa ulat ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng suporta sa kanyang recovery.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate