Billy Crawford panalo sa Mask Singer France season 9

Billy Crawford panalo sa Mask Singer France season 9

  • Billy Crawford muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas matapos magwagi bilang kampeon sa Mask Singer France season 9, kung saan nakipagtagisan siya ng talento laban sa iba pang sikat na performers sa finals
  • Nakilala siya bilang L’Ane (The Donkey), isang karakter na pinili niya kasama ang anak na si Amari, at nagbigay ng makulay na performances sa French at English songs tulad ng “Le Portrait,” “I Feel Good,” at “Uptown Funk”
  • Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Billy sa kanyang Mask Singer family, costume designers, at lahat ng bumoto para sa kanya, habang ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng pananampalataya sa kanyang tagumpay
  • Hindi ito ang unang beses na nagtagumpay si Billy sa France, dahil noong 2022 ay itinanghal din siyang kampeon sa French edition ng Dancing with the Stars, na lalo pang nagpapatibay sa kanyang pangalan sa international entertainment industry

Muling pinatunayan ni Billy Crawford ang kanyang husay at talento matapos magwagi sa Season 9 ng Mask Singer France. Ang reality show na ito ay batay sa sikat na South Korean game show na King of Mask Singer, kung saan ang mga celebrity contestants ay nagtatanghal nang nakasuot ng makukulay na costumes upang itago ang kanilang pagkakakilanlan hanggang sa sila ay ma-eliminate at ma-unmask.

Read also

Joseph Bitangcol nagluluksa sa pagpanaw ng ina na si Lydia Bitangcol

Billy Crawford panalo sa Mask Singer France season 9
Billy Crawford panalo sa Mask Singer France season 9 (📷@billycrawford/IG)
Source: Instagram

Nakilala si Billy bilang L’Ane o The Donkey, isang karakter na may cowboy-inspired outfit at sombrero. Ayon kay Billy, espesyal ang karakter na ito dahil pinili niya ito kasama ang anak na si Amari. “L’Ane was a very special character to me because I chose it with my son Amari in mind. I figured if he loved it, everyone else would too!”

Sa finals, nakalaban ni Billy ang French singer na si Carla Lazzari na nag-perform bilang Le Poussin. Sa huli, si Billy ang itinanghal na kampeon matapos ang kanyang mga performances ng French at English songs kabilang ang “Le Portrait,” “I Feel Good,” at “Uptown Funk.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Billy sa lahat ng sumuporta sa kanya. “This was an absolutely amazing experience! Thank you to my @masksinger_tf1 family for keeping me a secret for a whole month! Thank you to the costume designers for your incredible patience and for the countless adjustments you made along the way. To everyone who voted for me, thank you from the bottom of my heart.”

Read also

Barbie Imperial nagulat sa halos ₱19k bill sa kuryente kahit bihira sa condo

Dagdag pa niya, ang kanyang pananampalataya ang isa sa pinakamahalagang dahilan ng kanyang tagumpay. “Most of all, thank You, Lord God, for giving me the courage, strength, and opportunity to compete—and on top of that, to win!”

Si Billy Crawford ay isa sa mga kilalang Filipino singers na nagkaroon ng matagumpay na career sa Pilipinas at abroad. Bukod sa kanyang mga hit songs at hosting stints sa local television, nakilala rin siya sa international stage. Noong 2022, nagwagi siya sa French edition ng Dancing with the Stars, na nagpatibay sa kanyang pangalan bilang isang versatile performer.

Billy Crawford masayang ibinahagi ang walong taon na alcohol-free lifestyle Ibinahagi ni Billy ang kanyang walong taon na pagiging alcohol-free, na isang malaking milestone sa kanyang personal na buhay. Ayon sa kanya, mas naging malinaw ang kanyang pananaw sa buhay at mas nakatutok siya sa pamilya at career.

Coleen ipinasilip ang birthday celebration ni Billy, nakakaantig na mensahe para sa mister Ipinakita ni Coleen Garcia ang masayang birthday celebration ng kanyang asawa na si Billy Crawford. Nagbigay siya ng nakakaantig na mensahe para kay Billy, na nagpatunay ng kanilang matibay na relasyon bilang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate